Mabilis na dumating ang magkapatid na Chino at Mark sa presinto nang tawagan sila ni Mason upang ipaalam ang nangyari. Panatag man ang kalooban dahil wala naman siyang natamong galos, halos magwala naman si Mark nang malamang lango sa bawal na gamot ang nakabangga sa kanyang sasakyan.
Si Chino na lamang ang maayos na nakipag-usap sa mga pulis dahil nahuli ngang nagmamaneho si Mason nang walang kasama. Ayon kasi sa batas, a minor is allowed to drive provided he is accompanied by an adult with a non-professional or professional driver's license. Nagbayad na lamang sila ng multa bago umuwi sa apartment pagkalipas ng higit-kumulang na limang oras.
"Tangina talaga!" muling asik ni Mark habang nakaupo sa passenger's seat. Si Chino ang nagmamaneho at hindi na nagawang pagsabihan ang kapatid sa pagmumura nito. "Katatapos lang hulugan tas babanggain lang?! Tas sasabihing hindi pala sa kanya yung sasakyan? Tarantado pota!"
"Buti na lang covered pa ng insurance 'tong sasakyan mo," pagpapalubag-loob ni Chino. "Ikaw 'Toy? Okay ka lang?"
"Opo," tipid na sagot niya bagamat lubha rin siyang kinabahan sa nangyari. Napuruhan kasi ang likurang parte ng sasakyan. Napagkasunduan na lamang nilang huwag nang ipaalam iyon sa mga magulang upang hindi na rin mag-alala ang mga ito.
"P*cha. Ingat na ingat ka ngang magmaneho, pero mga barubal naman yung ibang motorista," patuloy na paghihimutok ng kapatid. "Dapat tinatanggalan ng lisensiya yang mga p*tangenang mga 'yan eh."
"Kinuhanan na nga ng lisensiya," natatawang pakli ni Chino. "Kung pambayad nga sa danyos sa'yo wala siyang maibigay, pambayad pa ng multa para makuha ulit yung lisensiya?" Iiling-iling na puna nito bago bumaling kay Mase. "Buti na lang naihatid mo na si Sapio Girl bago pa mangyari 'to kundi basted ka na, hahaha."
Sa tinurang iyon ng kuya ay napakapa si Mase sa kanyang telepono. Kinuha niya iyon at nakitang may text message mula kay Louie ilang oras na ang nakakaraan.
From: Louie Kwok
I had fun too. Salamat sa lahat. Esp sa home-made street food. Beep kita sa lagayan. Ingat ka. :))
Tama rin ang sinabi ni Kuya Chino-mabuti na lamang at naihatid na niya si Louie bago mangyari ang lahat kundi ay hindi na niya kailanman maaayang lumabas ang dalaga.
Nagpakawala siya ng buntong hininga. Mukhang kailangan muna niyang magtapos sa pag-aaral at makakuha ng sariling non-professional driver's license bago makagamit ulit ng sasakyan. Mas mainam kung sariling sasakyan na rin niya ang gagamitin.
Dahil kapwa puyat, pagod at may kanya-kanyang pasok pa kinabukasan ang magkakapatid, diretso nang natulog sina Mason pagkarating sa apartment. Kaya nakaligtaan na rin niyang reply-an ang text ni Louie.
---
"O, first time kong makitang inaantok ka ah!" gitlang puna ni Nile nang makita kung paano nagpakawala nang hikab si Mason nang datnan siya nito sa CASAA.
Pinunasan muna niya ang nagluluhang mga mata dala ng antok. Kanina pa siya humihikab sa naunang klase. Mabuti na lang at nakaupo siya sa bandang likod at pinakasulok kaya hindi rin siya nasita ng guro.
"Grabe namang pag-aaral ang ginagawa mo. Are you aiming for Summa Cum Laude?"
"Hindi naman," maikling sagot niyang nakangiti. His friend didn't need to know that Mason was aiming for Latin honors, which didn't necessarily have to be the highest Latin honor.
"Ah, alam ko na. Si Kwok 'yan 'no?" tila nanunuksong komento nito.
Umarko ang mga kilay ni Mase bago nag-iwas ng tingin at uminom ng tubig. "Bakit naman?"
BINABASA MO ANG
From A Distance
Teen FictionFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...