“Tatlong araw lang pala… ako naging maligaya…” mahinang awit ni Aaron.
“Di ko man lang napuna…tatlong araw ko’y tapos na…” dugtong pa ni Nile habang tumitipa ng gitara at inaawit ang sikat na kanta ng Parokya ni Edgar.
Nagbuntong-hininga na lamang si Ray at hindi pa rin kinikibo ang pagkain nito. Kasalukuyan kasi silang nasa opisina ng Student Council sapagkat ayaw daw pumunta ni Ray sa canteen upang doon mananghalian. Nandoon daw kasi si Louie. Ayaw daw nitong makita ng dalaga na naiiyak dahil nga sa naganap na paghihiwalay ng dalawa kahapon.
“Ang sakit talaga eh,” bulong nito bago itinukod ang kanang siko at tinakpan ang mga mata. Nanginig ang mga labi nito sa pagpipigil subalit tuluyan nang namalisbis ang luha sa mga mata nito. Nataranta naman ang dalawang kanina lamang nang-aasar kaya tumahimik na lamang ang mga ito at pinalibutan ang kaibigang sawi sa pag-ibig.
Tinapik na lamang ni Mason ang ulo ni Ray bago marahang niyugyog iyon bilang pakikiramay. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwalang nakipag-hiwalay si Louie dito sa mismong araw na tinanong niya ang dalaga kung sigurado pa ito nang sagutin si Ray. Hindi tuloy mapakali si Mason kung naimpluwensiyahan ba niya ang desisyon ng dalaga?
Nainis bigla si Mason sa sarili dahil parang ginawa rin niya ang nagawa ng kapatid. Napangunahan ba niya si Louie? Na siyang sanhi ng masidhing kalungkutan ng kaibigan?
“Ginawa ko naman lahat. Naging sweet naman ako, generous, thoughtful… to the point na pati ako nakukulitan na sa sarili ko. Pero wala pa rin. Kulang pa rin,” pagpapatuloy nito sa pagitan ng paghikbi.
Nagtinginan muna si Nile at Aaron bago nagsalita ang huli. “Kulang? Hindi kaya… napasobra naman ang pagiging sweet mo kay Louie?”
Pinunas-punasan ni Ray ang mga mata nito. “Sobra talaga? Hindi ba ganun ang gusto ng mga girls? Ginawa ko lang naman ‘yung normal na nakakapagpakilig sa mga babae ah.”
“Iba si Louie.” Pinagtinginan ng tatlo si Mason nang sabihin niya iyon. Nang hindi na ulit siya nagsalita, si Nile na lamang ulit ang nagpaliwanag.
“Oo nga naman,” pagsang-ayon ni Nile habang mapanuring nakatingin pa rin sa kanya. “Hindi ba dapat ikaw ang nakakaalam nun?” baling nito kay Ray. “Dapat alam mong hindi normal si Louie.”
Halos mabuga naman ni Aaron ang iniinom nitong tubig at nanlisik bigla ang mga mata ni Ray nang sabihin iyon ni Nile. “Umayos ka, pare, ha. Parang sinabi mong abnormal si Louie. Baka nakakalimutan mo, girlfriend ko ang dini-describe mo—“
“Ah… correction… EX-girlfriend,” pagtatama naman ni Aaron bago ito nakatanggap ng batok mula kay Ray.
“Sorry naman. Teka… ano ba’ng term ang gagamitin ko?” natarantang tanong ni Nile.
“Special? One-of-a-kind? Unique?” pagbibigay ni Mason ng options.
BINABASA MO ANG
From A Distance
Teen FictionFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...