51. Sanayan Lang

12.5K 403 155
                                    

A boy would not ask a girl to a date if he doesn't feel the LEAST bit attracted to her or vice versa.

...Vice versa...

A girl would not ask a boy to a date if she doesn't feel the least bit attracted to him.

Simula nang sambitin ni Chad ang mga katagang iyon, madalas nang napapabalikwas sa kama si Mason sa pagpipigil ng ngiti na maya't-maya'y sumisilay sa kanyang labi. Ang tanging nagpapakalma na lamang sa kanya ay ang paulit-ulit na pagsambit ng kanyang mantra...

Never assume unless otherwise stated...

Iyon nga lang, kung minsa'y hindi pa rin niya mapigilan ang sarili, lalo na't kapag nag-iisa. Tulad ngayong nasa CASAA siya't hinihintay ang mga kaibigan nila upang magmerienda bago umuwi.

"Ligawan mo na kasi," narinig niya ang kaibigang si Nile nang umupo ito sa tabi niya.

"Ha?" wala sa ulirat na sagot naman ni Mase.

Bahagyang napailing naman si Nile. "Si Kwok. Ligawan mo na. 'Lakas na ng tama mo eh. Napapangiti nang mag-isa? Ngayon ka lang nagkaganyan."

"Ah, hindi. May naalala lang ako," pag-iiba naman ni Mase bago umubo nang kaunti bilang paghahanda sa isang tanong. "Ah...ano..." pag-aalangan niya. "May tanong pala ako."

"Teka... Bago 'to ah. Ang henyong si Mason, magtatanong sa'kin," natatawang puna nito. "Hindi ko alam kung aning maitutulong ko pero, sige... shoot."

Hindi na siya nagpaliguy-ligoy at diniretsa na ang kaibigan. "Paano mo nalalaman kung may gusto ang isang babae sa'yo?"

Saglit na natigilan at napatitig ang kaibigan sa kanya.

Kaya naman umiwas na lang ng tingin si Mase. "Ah...nevermind na lang." Binuksan na lamang niya ang aklat upang abalahin ang sarili.

"Si Clarisse ba 'yan?"

Kunot-noong lumingon si Mase sa pag-aakalang dumating na ang dalaga kapiling ng iba pa nilang mga kaibigan. "Sa'n?"

"Inaalam ko kung si Clarisse ba 'yung tinutukoy mo dun sa tanong mo," paglilinaw nito. "O si Kwok."

Napabilis ang pag-iling si Mase at itinuon ang atensiyon sa aklat. "'Di bale na-"

"Depende naman sa babae 'yan. Sa panahon ngayon, even girls can be aggressive too. May iba nga sila pa ang nanliligaw sa lalaki diba? O kaya sila pa ang nag-aaya ng date."

Biglang naubo si Mason at kinagat ang dila upang hindi siya mapangiti. "Ahh...g-gano'n ba?"

"Pero 'di ko rin masabi eh. Maraming babae ang madaling mabasa pagdating sa ganyan. 'Yung lagi kang ite-text, o kaya 'yung agad-agad na magre-reply. Lagi kang kinukumusta, kinikilala ang pamilya mo, pati mga kaibigan mo, inaalam lahat ng bagay tungkol sa'yo. Inii-stalk ka. Mga gano'n."

Nagsalubong ang kilay ni Mason. Wala ni isa sa mga tinuran ni Nile ang tumugma kay Louie. Maliban na lamang siguro sa katotohanang kilala ng dalaga ang pamilya niya. Subalit hindi rin iyon akma kay Mase. Matagal na kasing kilala ni Louie ang pamilyang Pelaez.

Kaya rin hindi niya pinaniniwalaan ang sinabi ni Kuya Chad dahil sa tagal ng pagmamasid na ginawa niya, wala namang senyales na may pagtingin ang dalaga sa kanya. Sa madaling salita, malabong mangyari iyon. At wala naman kaso iyon kay Mason.

Maya-maya pa ay naramdaman niyang sumandal sa upuan si Nile. "Pero depende pa rin. Merong sobrang obvious na pero ayaw mo lang bigyan ng malisya. O kaya dahil may iba kang gusto kaya hindi mo rin binibigyan ng malisya," saad nito bago nagpatuloy nang mataman lang niyang tinignan ito. "Kadalasan kasi, kapag may iba ka nang napupusuan, hindi mo na napapansin yung ibang nagpapahiwatig na pala. Masyado kang naka-focus sa gusto mo hanggang sa masaktan ka. Saka mo lang mari-realize na sana naglaan ka rin ng oras para kilalanin 'yung isa. Malay mo siya pala yung tama."

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon