"Girlfriend mo ba 'yon, Mase?" interesadong tanong ni Dexter pagkatapos niyang pasakayin sa taxi si Elay dahil may pupuntahan pa raw ito. Tulad ng hiling ng mga kaibigang sina Dexter, Aaron at Ray na hindi magkamayaw sa paniningad ay ipinakilala na rin niya kanina ang dalaga sa mga ito.
"Hindi ah," agad namang pakli ni Clarisse. "Ganun talaga yun, touchy-feely," dagdag pa nitong labas sa ilong.
Pinagtaasan naman ito ng kilay ni Aaron. "Oh eh, bakit apektado ka?"
Umikot naman ang mga mata ng kausap. "Excuse me ha. Hindi ako apektado. Besides, diba may mga girlfriends na kayo, bakit kayo interesado dun? Mga salawahan!" pag-aakusa pa nito.
"Ikaw, masyado kang judgmental," depensa naman ni Ray. "Kuya Mac, ano'ng masasabi mo?" baling nito sa nakatatandang kapatid ni Mase na humalili sa paglalaro ng NBA Live nang umuwi sina Kier at Patrick.
Pinindot nito ang 'Pause' button na siyang dahilan ng paglatak ni Chad na kalaro nito at ni Charlie na nanonood ng laban. "Alam niyo kasi, parang kotse lang 'yan. Pwede kang sumakay sa iba-ibang kotse, basta sa tamang garahe ka umuuwi, ahahaha!"
Pinaikutan naman ito ng mata ni Chad. "Palibhasa gawain mo eh."
"At least ako, hindi pumapatol sa taong nakatali na," asik naman ng una.
"O...o...nag-uungkat na naman kayong dalawa ng nakaraan ha," pagpagitna ni Marcus na ikinatahimik na ng dalawa. "Partida, fruit punch pa lang 'yang iniinom natin. Pa'no pa kung Bacardi na?" iiling-iling na saad nito. "Ikaw na nga lang ang sumagot nang matino na ang mahita ng mga bata," baling nito kay Chino.
Ibinaba ni Chino ang baso bago nag-isip nang mabuti. "Well, may point naman si Mac. Wala naman talagang masama when you're just plainly appreciating beauty. Nagagandahan pa rin naman ako kina Anne Curtis at Sam Pinto kahit girlfriend ko si Llana. What's wrong is when you fantasize about being with that object of your appreciation when you're in a relationship."
"Weh? Eh pa'no kung may chance na maging kayo ni Sam Pinto? Never mo talagang iisiping maging girlfriend siya kahit kayo ni Ate Llana?"
Habang nagpapalitan ng opinyon ang karamihan sa mga kalalakihang naroon, tahimik lamang na nakikinig si Mason. Isa kasi iyon sa mga inaabangan niya sa tuwing makukumpleto silang magkakapatid. Marami siyang nalalaman sa mga talakayan nila.
"Parang nasa buffet lang 'yan eh, malaya kang tikman lahat. Tignan niyo ah," ani Mark. "Psstoy, Prinsesa..."
"Po?" sagot ng kausap na hindi man lang lumingon dahil abala sa paglalaro ng NBA Live dahil ito ang humalili kay Mark.
"Kapag nasa eat-all-you-can ka, papayag ka bang isa lang ang klase ng pagkain ang pwede mong kainin?"
Dahil sa tanong na iyon, tumigil sa paglalaro ang bunso at tinignan ang kuya nang naka-kunot-noo. "Nge. Bakit pa nag-eat-all-you-can kung isa lang pala ang makakain ko? Sayang ang pera non! Ang mahal ng bayad sa ganun tas isa lang? Dapat kumain ng marami para sulit!"
BINABASA MO ANG
From A Distance
Teen FictionFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...