Hindi naging madali ang mga sumunod na linggo ni Mason. Bukod sa nagsunud-sunod na ang mga second long exam sa mga subjects nila, nagsimula na rin ang inter-college intramurals. Mabuti na lamang at wala na ring Filipino subjects si Elay kaya hindi na siya kinukulit nito tulad ng dati. Malaking tulong din na lagi nila itong kasama dahil kahit papaano ay tumutuwid na rin ang dila sa pagta-Tagalog.
Katanghaliang tapat noon at kasalukuyang nasa CHK Gym si Mason kasama ng mga manlalaro ng CBA upang mag-ensayo sa nalalapit na paghaharap ng grupo nila at ng kupunan ng College of MasComm. Iyon lang kasi ang libreng oras ng karamihan sa kanila.
"Good job, guys," hinihingal na saad ni Dexter. "Konting aggression pa sa opensa. Parang naghe-hesitate kasi tayo. Sabi nga ni Jordan diba, we miss the shots we don't take. Tira lang tayo lalo na 'pag libre," payo nito sa kanila habang nagpapahinga ang grupo matapos ang praktis.
Mula sa bungad ng gym ay nakarinig sila ng malakas na tawanan at namataan ang pagpasok ng Team A ng UP Men's Basketball Team. Napailing na lamang si Mason nang mapansing isa sa mga nangunguna sa kaingayan ay si Jeremiah na may nakapulupot na babae sa bisig nito.
"Bakit nga ba hindi ka nakasama sa line-up, Dex?" tanong ng isa nilang kasama. Nauna na kasi nilang nalaman na Team B pala ito.
Tumalikod lamang si Dexter, pinulot ang bola at pinukol iyon sa ring kung saan pumasok ang bola. "Parehas kami ng posisyon ni Jem. Mas senior lang siya. May track record sa UAAP games kaya priority siya."
"Jem? Yun ba si Jeremiah?" tanong pa ng isa nilang kasama. "Balita ko may bagong girlfriend yun kada linggo ah. Sino na nga yung recent fling niya bago 'yang cheerleader na kasama niya ngayon? Louie yata ang pangalan eh."
Nagpanting ang tainga ni Mason sa pangalang iyon. Di rin niya namalayang napatuwid na siya ng upo habang pinapakinggan ang dapat sana'y walang kabuluhang pag-uusap na iyon. "Louie?"
"Lalaki? Sabi ko na nga ba, bading 'yon eh."
"Tanga, hinde. Kaklase ko sa English. Mukhang model at hot talaga. Medyo parang suplada lang. May kumakalat nga na balitang natira na 'yun ni Jem eh."
Kumunot ang noo ni Mase sa narinig. Imposibleng ang dilag na kilala niya ang pinag-uusapan nila--
"'Wag ka ngang nagpapaniwala sa tsismis. Respetuhin na lang natin 'yung babae--"
"Dude, karespe-respeto 'yung babae. Dun sa maangas na 'yun ako hindi kampante. Kiss and tell ampota--"
"Anong kiss and tell? Ang sabihin mo, inuuna ng bugok na 'yun ang tell bago pa mangyari ang kiss! 'Pag nakita mo 'yung babae, magdadalawang-isip ka talaga kung totoo 'yung sinasabi ni Jem. Alam mo namang may sa-gago 'yun eh."
"Anong college nung babae? Course?"
"Eng, dude. ECE 'yung course. Astig diba? Pangmatalino. Bobo lang kaya ang papatol diyan sa ungas na 'yan."
Dahil sa mga palitang iyon, hindi napigilan ni Mase ang magtanong. "A-Anong apelyido?"
"Hmm.. 'Ko' yata eh. O 'Kuo'? Basta Chinese. Tsaka Oblation Scholar daw sabi sa tsismis."
Hindi na nasundan ni Mase ang mga naging palitan dahil labis na siyang nabagabag kasabay ng mabilis na pagkalabog ng kanyang dibdib. Ang Louie kaya na iyon at ang Louie na kilala niya ay iisa? Subalit paano nangyari iyon? Hindi ba't nasa ibang bansa ang dalaga?
BINABASA MO ANG
From A Distance
Teen FictionFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...