Napag-alaman ng mga kuya ni Mason ang pagkapanalo ng kanyang kupunan sa sinalihang paligsahan. Kaya naman nagtext ang mga ito sa kanyang dadalaw sa apartment.
Sa kasamaang-palad, kasalukuyang naka-duty ang panganay na si Marcus at ang bunsong ai Charlotte naman ay abala sa pag-eensayo para raw sa Engineering week.
"'Kung di ko pa nabasa yung post ni Clarisse sa Facebook, di pa namin malalaman," tila nagtatampong saad ni Chad.
"'Di ko talaga sinabi kasi maghahanda na naman sina Mama. Bibili na lang sana ako ng pagkain sa Sabado," paliwanag naman ni Mase.
"Ah, gano'n ba? Buti pala wala sina Mama kanina at 'di ko sila nasabihan."
"Akala ko ba nanalo kayo? Ba't yung itsura mo, talunan?" mapanuring kumento ni Mac-Mac.
Umiling lamang siya at walang ganang humilata muna sa kama ni Chino.
"Ano'ng problema, 'toy?" tanong ni Chad. "May sakit ka?"
"Wala."
Tinunghayan naman siya ni Chino. "May frat war scare ba sa campus ngayon?"
Nang hindi sumagot si Mase ay sunud-sunod ang pag-uusisa ng mga ito.
"Nanakawan ka? Nabunggo?"
Muli siyang umiling. "Ano, kailangan ko lang ng payo."
Sandaling nagtinginan ang kanyang mga kuya bago nagsalita si Mac. "Tungkol ba ito kay Sapio Girl?"
Nang tumango siya ay dagliang lumapit ang tatlo sa kaniya.
"Kumusta na siya?"
"How is she holding up?"
"Sinabihan mo ba sina J?"
Nagbuntong-hininga muna siya. "Ano, umamin na ako sa kanya."
May ilang segundong naghari ang katahimikan.
"Sinabi mo na sa kanyang mahal mo siya?!"
"Jesus, B1 needs to know this! Tawagan ko nga."
"Anong sabi?! Anong sabi ni Louie?!"
"Hindi, ano..." Nag-iinit ang tenga ni Mason kaya napakamot siya sa batok. "Tinanong ko kung pwede akong manligaw."
'Di magkamayaw ang hiyawan ng tatlo na tila ba nagwagi ang sinusuportahang manlalaro sa isang kumpetisyon.
"Hallelujah!"
"Finally naman, 'Toy! We're so proud of you!"
"Anong sabi ni Louie?! Sinagot ka na?!"
"Teka, nagpaalam ka na ba kina J? Siyempre, kahit alam nilang dito rin mapupunta, parang courtesy call lang since wala na si Tita—"
"Nakapagpaalam ako kay Tita Louise noon. Nung nagpicnic kami." May maliit na ngiting sumilay sa bibig ni Mase nang maalala ang naging pag-uusap nila ng ina ni Louie.
"Good job ka dun, Mase," tumatangong sambit ng mga kapatid.
"So ano na? Anong sabi ni Louie? Sinagot ka na?!" muling tanong ng mga ito.
Hanggang ngayon ay natatandaan pa ni Mason ang naging itsura ni Louie nang sambitin niya iyon. Blanko ang mukha ng dalaga. At hindi mawari ni Mase kung paano iintindihin iyon. "Ayun, umuwi."
Tumanggi si Louie na ihatid siya ni Mason sa condong tinutuluyan. Subalit hindi naman ito humindi nang samahan niya itong maghintay ng taxi. Iyon nga lang, hindi na siya muling nilingon ng dalaga. At bagamat sinabihan niya itong magtext kapag nakauwi na, hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagtetext sa kanya. Kaya minabuti niyang sabihan ang pinsan nito na siya namang nagkumpirmang nakauwi nang matiwasay si Louie.
BINABASA MO ANG
From A Distance
Genç KurguFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...