Bahagyang nataranta si Mason nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Louie pagsapit ng Sabado ng tanghali.
From: Louie Kwok
Nakalimutan ko, sa Newport Performing Arts Theater ng Resorts World pala yung event. Formal attire. Ngayon ko lang na-realize na hindi kita naabutan ng invitation card :(
To: Louie Kwok
Ok :) sa lobby na lang kita hihintayin?
From: Louie Kwok
Yup :)
To: Louie Kwok
sige. See you :)
From: Louie Kwok
See you :)
Ang totoo'y semi-formal lamang ang damit na naihanda ni Mason. Hindi niya inasahang kailangang formal wear pala ang suot. Dahil ayaw na niyang mag-alala si Louie, ang planong doon na siya tutuloy sa pagdarausan ng pagtitipon ay nabulilyaso.
Kailangan muna niyang umuwi sa tahanan nila upang makuha ang tuxedo na ginamit niya noong prom. At doon lang din niya napagtantong kailangan din niyang isama pauwi si Lark dahil walang magpapakain dito.
Ang problema nga lang, paano siya magpapaliwanag sa pamilya kung aalis siyang naka-postura? Ano ang isasagot niya sa siguradong tanong ng mga ito kung saan siya pupunta? Nag-aalangan kasi siyang isiwalat sa mga ito lalo na sa mga kuya na makakasama niya si Louie dahil siguradong tutuksuin siya ng mga ito. Or worse, they will follow him around to eavesdrop.
"O, akala ko hindi ka uuwi?" takang tanong ng amang si Charles na tanging tao sa kanilang tahanan.
Kunot-noong nagmano si Mason dito. "Wala po kasing magbabantay kay Lark," saad niya habang papasok ng bahay at nakiramdam. Baka nagtatago lamang ang mga kuya niya.
"Diyan mo na lang sa sala iwan si Lark. Lalagyan ko na lang ng harang mamaya nang hindi siya mapunta kung saan-saan. Tara, magtanghalian natayo," aya nito sa kanya.
Mabuti na lamang at naiwan ni Mase ang cart at doon pansamantalang iniwan muna ang alagang mukhang inaantok pa. Pagkatapos noon ay sinundan niya sa kusina ang ama at naghugas ng kamay. "Nasaan po sila?" di niya napigilang itanong sapagkat walang kaluskos o bulung-bulungan siyang naririnig mula sa kwarto nilang magkakapatid.
"Nasa salon ni Charlene. Kasi nga naimbitahan ang kapatid niyo sa business launch nina Mareng Louise kaya di na nakapalag si bunso nung sabihin ni Mac na ililibre niya sina Mama mo sa spa. Ewan ko kung ano ang gagawin nila dun ng ganito kaaga. Mamaya pang gabi yung event," paliwanag nito bago nagsimulang maghain.
Ikinubli ni Mason ang pagkagulat sa narinig. Hindi niya inakalang sa parehong pagtitipon pala naimbitahan ang bunsong kapatid niya. "Pati po si Kuya Chad?" dagdag na lamang niya habang naglalabas ng pinggan at kubyertos para sa kanilang dalawa.
![](https://img.wattpad.com/cover/5996036-288-k627100.jpg)
BINABASA MO ANG
From A Distance
JugendliteraturFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...