"You have a very interesting not to mention, large family. Any chance I could meet them one of these days?" tanong ni Elay.
Napaisip nang ilang sandali si Mase. Maingay at magulo ang pamilya nila sa karaniwang araw. Kung ipapakilala niya si Hayley, baka kung anong isipin ng mga ito at lalo lamang mag-ingay, lalo na ang mga kuya. "Magulo silang kausap. 'Wag na lang," tanggi niya rito.
Kumunot naman ang noo ng kausap. "Why not? I think they're fun to be with," saad nito at ipinagpatuloy ang tahimik na pagtingin sa mga larawan ng mag-asawang Pelaez habang maingay na nakikipag-usap ang kapatid sa matalik nitong kaibigan.
Mukhang ipinapakita ni Louie ang bawat sulok ng bahay nito kay Charlie na hindi magkandatuto sa pagpuri kung gaano kaganda doon. Upang lunurin ang talakayang naririnig pa rin niya mula sa kusina, isinindi na lamang ni Mason ang telebisyon. Subalit nasapawan nga ang usapan ng isang palabas sa telebisyon, hindi naman niya maialis sa isipan ang mga nalaman tungkol kay Louie.
Model na pala siya, kumento niya sa isip. Kung sabagay, hindi naman na kataka-taka kung mangyayari iyon dahil nga sa angking kagandahan ng dalaga at sa balingkinitan nitong pangangatawan. Bagamat natutuwa siya para kay Louie, hindi niya maiwasang mag-alala. Paano na lamang kung makisabay na ito sa klase ng pamumuhay ng mga ka-edad sa Canada lalo pa't magtatagal ito doon? Magbabago kaya ang ugali nito? Ang anyo?
"Marcus," narinig niya ang tinig ni Hayley na nakatutop pa rin sa isa sa mga photo albums ng kanilang pamilya. Kasalukuyan itong nakatingin sa larawan ng panganay noong isang taong gulang pa lamang ito. "Your eldest Kuya?" tanong ni Elay at tumango naman si Mase bilang pagsang-ayon. "Pogi," bulong nito at natawa na lamang siya habang pinapasadahan ng bisita ang mga larawan. "How many years apart are you?"
"Siyam," tugon naman niya dito bago inilipat ng dalaga ang pahina na naglalaman ng larawan ng ikalawang kuya.
Kumunot ang noo ni Elay. "A new baby after a year? Wow," kumento nito saka binasa ang pangalang nakasulat doon. "Chino." Binalikan nito ang ilang pahina at tila pinaghahalintulad ang mga larawan. "He looks like your Dad, while Marcus..." muling bumalik ito sa pinakaunang pahina. "Halo...and pogi din," sambit niya. "What are they doing now?"
"Nagre-residency na si 'Ya Marcus, katatapos lang mag-bar exam ni Kuya Chino," saad naman niya.
"Achievers. Nice." Tumango-tango naman ang dalaga at patuloy sa pagtingin sa mga larawan. "And yet another baby after two years!" tila namamangha nitong sabi nang makarating sa larawan naman ng ikatlong anak. "Mark." Tumingin si Elay sa kanya. "Do you know that 'Marcus' is the Latin name of 'Mark'?"
"Baka hindi alam nila Mama," simpleng paliwanag naman ni Mase.
"Are they the same? Si Kuya Marcus and Kuya Mark? Like, same personalities?"
Umiling siya. "Mahiyain si 'Ya Marcus. Kabaliktaran si Kuya Mark."
Muli, binalikan ni Elay ang larawan sa unang pahina. "He looks like your Mom." Pagkatapos ay tinignan siya nito at tila sinuri. "And you too. Konti."
Napangiti na lamang si Mase sa obserbasyon ng dalaga. "Kaka-graduate lang niya ng Business Ad," saad niya dahil mukhang iyon ang susunod na itatanong ng bisita. "HR Associate na ngayon."
Inilipat ni Elay ang pahina at inilapit ang mukha sa sumunod na larawan. "Chino ulit?" tanong nito nang may pag-aalinlangan.
Umiling si Mason. "Si Chad 'yan. Graduating ng Educ."
BINABASA MO ANG
From A Distance
Teen FictionFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...