59. Unang Pag-Ibig

10.9K 401 276
                                    

"Aba, at magkakilala pala kayo ng apo ko?" gulat, subalit tila nasisiyahang komento ni Lola Dolly.

Napanatag si Mason dahil ang pagsasalita ng matanda ang siyang bumasag sa katahimikang nagsimula nang maghari sa pagitan nila ni Louie matapos niyang putulin ang tanong nito tungkol kay Lark.

"Kita mo nga naman. Napakaliit talaga ng mundo ano?" dagdag pa ni Lola Dolly at tumango sa isa pang sekretaryang tahimik lamang na naghihintay. "Teka," baling nito kay Mase. "Dumating na ba ang nobya mo? Hindi ba't susunduin mo dapat siya?"

Dala ng pagkabalisa ay napatingin siya kay Louie na saktong sinulyapan din siya't tila naguguluhan. "A-Ahhh—"

"Apo, ikaw ba ang nobya ni Mason?" singhap ng matanda.

"Hindi po—"

"'La! Ano bang—hindi po!" taranta at magkasabay na sagot nila ni Louie.

"Magkakilala lang po kami," dagdag pa ni Mase dito na may alanganing ngiti.

"Ate Waine! Diba may pupuntahan pa kayo ni Lola? Ihatid mo na nga siya," tila naiinis na utos ni Louie sa sekretarya na agad namang dinaluhan ang matanda.

"Oo na, hindi na. Parang nagbibiro lang ang Lola eh. Pati sa harap ng binata pinapakita mo ang pagiging pikon mo," paglalambing nito sa apo. "Mason, kung hindi makakaabala sa inyo ng nobya mo, maaari mo bang kuhanan ng litrato ang maganda kong apo?" pabulong nitong hiling subalit narinig pa rin ito ng isa.

"'La—" angal muli ng dalagang tila mauubusan na yata ng pasensiya.

"Sige po," nakangiting tugon niya rito bago ito tuluyang tumayo at umalis kasama ng sekretarya nito. Narinig niyang napabuntong-hininga na lamang ang kasama habang pinagmamasdang makaalis si Lola Dolly.

Hayan na naman ang pagririgudon ng dibdib ni Mase kasabay ng panunumbalik ng mga kaganapan sa kanyang isip.

Hindi niya sinasadyang putulin ang tanong ng dalaga nang magkita sila kanina. It was just all too sudden that she asked the question the moment they saw each other. Hindi niya inasahan iyon. At ngayong pinagninilay-nilayan niya ang nasambit na sagot, mas lalo siyang kinabahan.

...did Lark come from—

Bakit nga ba hindi niya pinatapos magtanong si Louie? Ano nga ba ang kasunod niyon? Did Lark come from:

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon