22. Karibal

21.8K 261 53
                                    

Buong akala ni Mason, hindi na  muling magku-krus ang landas nila ng binatang si Hiro. Subalit nagulat na lamang silang lahat nang minsang dumating ito kasama ng ina at sa araw din na iyon ay nagsimula nang makitulog sa tahanan nila si Lloyd Hiro Ang na buong pusong kinukpkop ng pamilya. Binigay pa nga dito ang cabinet ni Charlie upang may paglagyan ng damit. Si Charlie rin ang natulog sa sofa bed na binili ng Ina nito dahil mas gusto raw ni Hirong katabi sa kama si Kuya Mark.

Hindi na nagawang tumutol ni Mason sa pagkupkop ng pamilya kay Hiro. Nang pumayag kasi si Adeline na patuluyin si Hiro sa tahanan ng mag-anak na ngayon lang nakilala ng anak, naunawaan na niya ang dahilan kung bakit tila tuwang-tuwa si Hiro na pakisamahan ang kanilang pamilya. Masyadong abala ang mag-asawang Ang sa kani-kanilang mga gawain at tila nawalan ng panahon upang gampanan ang tungkulin bilang ama at ina sa kanilang nag-iisang anak. Isang bagay na napunan ng mag-asawang Pelaez na sa kabila ng pagkakaroon ng hanapbuhay ay nagagawa pa ring asikasuhin ang anim na anak at punuin ang mga ito ng sapat na pagmamahal. Dagdagan pa ng masiyahin at maiingay na mga kapatid.

Sa katunayan, magaling makisama si Hiro. Handa naman itong matuto ng mga gawaing-bahay at masigla pa itong ginagampanan ang paghuhugas ng pinggan at ang pagpupunas ng lamesa na siyang nakatoka dito tuwing umaga. Feel na feel din ng binata ang pagtawag kila Matilda at Charles ng ‘Mommy’ at ‘Daddy’. At dahil magaan din ang loob ng mga magkakapatid dito, tila nagkaroon pa ng ampon ang pamilya Pelaez sa katauhan ni Hiro.

Subalit kapansin-pansin din na si Mason lamang sa kanilang magkakapatid ang hindi masyadong kinakausap ng binata. Tila ilag na ilag din ito sa kanya simula nang masinghalan niya ito sa ginawa nitong paggalaw sa larawan ni Louie sa rest house ng mga San Buenaventura sa La Union. Mainam rin naman iyon. Wala rin naman siyang maibabahagi rito.

Madalas ding magpadala ng kung anu-ano si Tita Adeline sa kanilang tahanan bilang pasasalamat sa pagkupkop ng pamilya sa anak. Sa katunayan, sasakyan ni Hiro ang ginamit ng magkakapatid upang mauna na sa Dad’s Saisaki sa Megamall upang sabay na ipagdiwang ang pagtatapos ni Mason at ng panganay na si Marcus na nagtapos naman sa Medisina.

At sa araw-araw na pagbabangayan ng bunsong si Charlie at ang itinuring na nilang ‘ampon’ na si Hiro, tila normal na sa magkakapatid sa pang-aasar ng huli sa kanilang bunso. Alam na rin naman ng binata kung kailan ito titigil sa pang-aalaska sa kapatid. Nahuli na rin nito ang technique para agad magkipagbati si Charlie – ang suhulan ito ng pagkain. Kaya ayos lang din sa mga kuya ang paraan ng pakikipaglaro ni Hiro sa kanilang unica hija.

Ang totoo niyan, malakas ang kutob ni Mason na may gusto si Hiro kay Charlotte. Madalas kasi niyang marinig mula kila Aaron, Ray at Nile na isa sa mga palatandaan na may pagtingin ang isang binata sa dalaga ay kung palaging inaasar ng una ang huli. At hindi na normal ang pambubuska ni Hiro kay Charlie.

Yun, o ayaw lamang pansinin ni Mason ang mga pangungulit ni Hiro sa kapatid na ibigay dito ang cellphone number ni Louie.

“Mason, Mason,” bulong ni Charlie nang makabalik siya galing restroom. “Anong magandang gift?” tanong nito habang hinihintay na dumating ang bill ng pagkain nila.

Nagkibit-balikat lamang siya. Ano namang alam niya sa pagbibigay ng regalo gayong hindi naman niya ito gawain. Sa pamilya kasi, isa lamang ang regalong binibigay sa may kaarawan at galing na iyon sa kanilang lahat. Sa barkada naman, hindi rin uso ang pagbibigayan noon. Ang may kaarawan ang nanlilibre at sapat na iyon upang ipagdiwang ang araw ng kapanganakan.

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon