74. Hudyat

5K 257 510
                                    

Mabilis ang pintig ng puso ni Mase habang tinatahak nila ni Louie ang daan papunta sa cafeteria. Bitbit niya ang eco-bag na naglalaman ng mga pagkaing niluto ng ina. 

Pinangunahan man siya ng hiya dahil mistulang makikigamit lamang sila ng mesa at silya sa cafeteria, iwinaksi niya agad iyon. Mabuti na lamang at walang gaanong tao. Gayumpaman, pinili nila ang mesa sa pinakasulok nang sa gayon ay hindi sila agaw-atensiyon.

Nais niyang matawa dahil bukod sa mga pagkain, maging mga plato, baso at kubyertos ay kasama pa sa eco-bag na iyon. Inumin lang ang wala kaya bumili na rin siya ng isang litro ng C2 Red Apple.

Napag-isip-isip niyang mas mainam siguro kung sa Sunken Garden na lamang sila nagtanghalian dahil akmang-akma naman ang mga dala niya. Ngunit napagtanto niya ding tirik na tirik ang araw kaya mas magandang sa air conditioned canteen na nga lamang nila pagsaluhan ang mga dala.

He appreciated his family's all-out support. And he was going to make this day count. Nang hindi naman mapunta sa wala ang paghahandang ginawa yata ng buong pamilya.

"Sayang hindi na ganon kainit. Pasensiya na ah," saad niya sa kasama nang maayos niya nang maisalansan ang mga pagkaing dala—pork steak, steamed asparagus, mashed potato na dinagdagan pa niya ng kanin.

"No, it's fine. Salamat dito. Nag-abala ka pa talaga," sagot ni Louie habang inaabutan niya ng reusable plate at kubyertos. Nagsimula na rin itong kumuha ng pagkain.

"Wala 'yon." Bahagyang napangiti siya habang pinapanood itong kumuha ng makakain. It meant her appetite was slowly coming back.

"Uhm.. ano pala meron bakit nagluto sila Tita?" tanong ng dalaga matapos lunukin ang kinakain.

"Ha? Ano… Post-celebration para dun sa pagkapanalo namin sa competition." Hindi niya magawang sabihin dito na nalaman na ni Matilda ang pormal niyang panliligaw sa dalaga at ang mga pagkaing iyon ay paraan ng kanyang ina upang makatulong sa panunuyo niya. Tiyak na magkakailangan sila kung iyon ay babanggitin pa niya.

"Di ba last week ‘yon? Hindi mo sinabi?" Takang tanong ni Louie.

"Hindi agad," maikling paliwanag niya. 

"Buti hindi nagtampo sina Mama at Papa mo?"

"Sanay na sila. Dati, sa graduation na lang nila malalaman na aakyat pala sila ng stage." Mahina siyang natawa sa naalala. Pinagalitan siya noon ng ina. Hindi man lang daw kasi ito nakapag-ayos nang husto. O nakapaghanda ng matinong isusuot.

It was actually one of the reasons why he would choose to keep his achievements to himself. His family would surely make a huge fuss. At naiilang siya sa mga ganoon.

Mason preferred to keep a low profile.

Subalit minsan, hindi niya matanggihan ang suportang ibinibigay ng kanyang pamilya which sometimes bordered on grand gestures.

Tulad na lamang ng tanghalian nila ngayon ni Louie.

Mabuti na lamang at hindi na sila masyadong nagkakailangan ngayon. Nakakapag-usap na sila nang mahaba-haba bagamat paminsan-minsan ay natatahimik upang ipagpatuloy ang pagkain o di kaya ay upang makapag-recharge. 

"Uhm... by the way... I'm not so proud of how I acted towards you for the past two days," saad ni Louie nang hindi makatingin sa kanya.

Mason's lips pressed into a hard line. Ang mga araw na iyon ay hindi naging madali para sa kanya subalit kailangan niyang pagdaanan bilang kapalit ng pag-amin niya dito. "Okay lang. Naiintindihan ko naman."

"No, it was too immature. I should've told you I needed the time and space to somehow take it all in."

Alam niya iyon. Kaya nga nais muna niya sanang ipagpaliban ang panliligaw rito. But maybe what happened was for the best. "Take your time lang," nakangiting sagot niya. 

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon