71. Biglaan

5K 269 282
                                    

"And the First Place for the Melca Chartered Finance Analyst Competition goes to..."

Binitin ng host ang pagbabasa mula sa cue card na hawak nito. Tila ba mas lalong pinasasabik ang mga naroroon sa bulwagan. Nang mabalot ng katahimikan ang lugar at nakatuon na rito ang lahat ng atensiyon ng madla, ipinagpatuloy nito ang pag-anunsiyo.

"...UP Diliman. Jayne Victorino, Clarisse del Rosario and Mason Pelaez."

Masigabong palakpakan ang pumailanlang sa bulwagan nang umakyat ang grupo nina Mason sa entablado upang tanggapin ang gantimpala sa patimpalak na iyon. Matapos nilang makuhanan ng litrato at makausap ang ibang mga hurado ay nilapitan sila at ang iba pang nagsipagwagi.

"You have a very skilled team," nakangiting saad ng Chief Finance Officer ng kumpanyang iyon sa Coach nina Mason. "I'm surprised that given the very limited time, they were able to provide a complete and cohesive analysis. I'm impressed."

Sa pagkakaalam ni Mason, una pa lamang iyon sa mga patimpalak na sasalihan ng kanilang grupo. At hindi rin biro ang mga iyon. Para sa naturang kumpetisyon, limang araw silang nasa Melca Offices kasama ang ibang mga representatives ng iba't-ibang unibersidad upang magsaliksik at gumawa ng analyis na naaayon sa kailangan ng kumpanyang iyon.

Habang patuloy na nakikipag-usap ang mga kasama niya, itinago na ni Mase ang medalya, ang naka-kwadradong certificate of recognition, gayon din ang envelope na naglalaman ng limang libong cash prize sa kanyang backpack. Pagkatapos ay kinuha ni Mason ang kanyang telepono. Limang araw niyang hindi halos nagamit ang cellphone dahil sa puspusang pagsasaliksik.


From: Louie Kwok

Ok. Good luck


Iyon lamang ang naging tugon ng dalaga sa kanya, limang araw na ang nakalilipas nang abisuhan niya ito tungkol sa naturang kumpetisyon. Madalas ay hindi rin ito sumasagot sa mga mensahe ni Mason na hindi naman niya ikinasasama ng loob.

Batid niyang matindi ang pighating pinagdadaanan ng dalaga. At base sa mga impit na iyak ni Louie sa tuwing tatawagan ito ni Mason tuwing gabi, matatagalan pa bago ito makahuma. He just hoped that regularly texting her would distract her from her pain. Kahit kaunti lamang.

Kumusta na kaya ito? May nakausap kaya ito sa nakalipas na limang araw?

Mason excused himself from the lingering crowd upang tumipa ng mensahe para kay Louie.

"Mase! Congrats sa 'tin!" magiliw na bati ni Clarisse na kinamayan siya kaya naudlot ang kanyang pagte-text. "Ang galing natin nina Jayne 'no! Sana next competitions, tayo-tayo pa rin ang magkakasama."

"Ah, oo. Congrats sa 'tin," balik niya.

"Oo nga pala, kumusta si Louie?" tanong nito.

Bahagyang natigilan si Mason. Alam niyang hindi pa tanggap ni Louie ang pagpanaw ng ina nito. But it wasn't his story to tell. "Hindi ko alam."

"Grabe yung nangyari sa Mommy niya, 'no?" Bumadha ang lungkot sa mukha ni Clarisse. The incident was all over the news kaya naman dinagsa rin ng pakikiramay ang pamilya nina Louie. "Hindi man lang ako nakadalaw nung burol. Ikaw ba?"

"Pumunta kaming lahat," saad niya.

"How was she holding up?"

Mason's lips pressed into a hard line. Sariwa pa sa alaala niya ang hindi pagsipot ni Louie sa burol o maging sa libing ng ina nito. He was sure she was still in the denial stage.

"May pupuntahan ka pa ba after? Maaga pa naman, mag-celebrate tayo ng team," pag-iiba ni Clarisse.

"Oo eh. May pupuntahan pa ako. Kailangan ko na ring umalis," tugon niya't nagkusa nang lapitan ang kanilang guro at ang isa pang kasamahan upang magpaalam. Mabuti na lamang at pinayagan na rin siyang makaalis.

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon