Simula nang malaman ng mga kuya niya ang naging pagkikita ni Mason at Louie sa UP nang mag-UPCAT ang dalaga, hindi na magkamayaw ang mga kapatid niya sa pang-aasar sa kanya. Mas madalas, pinapangunahan ito ng magkasunod na Mark at Chad. Lagi na kasi siyang tine-text ng mga ito sa tuwing may nababanggit si Charlotte tungkol sa matalik na kaibigan.
From: #4.Kuya Chad
Napili raw na muse ng Blue Team si Louie kaso umayaw. Ikaw yata ang gustong escort, yihee XD
From: #3.Kuya Mark
May practice game daw si Louie sa basketball mamaya. Puntahan mo para ma-inspire lalo. Naks.
From: #1.’Ya Marcus
Buwan ng Wika kila Charlotte ngayon. Lalaban daw siya sa Malikhaing Pagkukwento. Pupunta ka? Makikita mo rin si Louie, hehehe
Mas lalong wala siyang takas kay Chino na kasama niya sa apartment na tinutuluyan.
“O, malapit na ‘yung birthday mo. Anong gusto mong gift?” tanong nito sa kanya nang datnan siyang nakahilata sa kama at nagbabasa ng ‘Digital Fortress’ ni Dan Brown.
Kibit-balikat lamang ang naisagot niya dito. “Ayos lang kahit wala.” Hindi naman sa ayaw niyang nakakatanggap ng regalo. Para sa kanya kasi, mas mainam na gamitin na lamang para sa mas makabuluhang bagay ang perang gagastusin kaysa mag-abala pa silang humanap ng maibibigay para sa kanya.
Iyon nga lang, batid niyang magpupumilit lamang ang mga ito at sa huli ay wala na rin naman siyang magagawa. Ganoon na rin kasi ang gawain ng mga magkakapatid simula nang makatapak silang lahat sa high school.
“Hayaan mo, ipapatanong ko kay Mark kung pwedeng hiramin namin si Louie para sa’yo. Kung gusto mo, lagyan pa namin ng rib—Hahaha!” Hindi na naman kasi naiwasan ni Mason na batuhin ito ng unan.
Sa totoo lang, kinakabahan si Mason na makarating ang mga pagbibirong iyon kay Louie. Ano na lang ang iisipin ng dalaga? Hindi na lingid sa kaalaman niyang pati siya ay naiilang kapag nagkikita at nagkakausap sila ni Louie, mas madadagdagan pa yata ang pagka-awkward niya dito dahil sa kapilyuhan ng mga kapatid.
Magkagayunman, hinayaan na rin lang niya ang mga pasaring ng mga ito. Sa kabila kasi ng mga pang-aasar nila sa kanya, mukhang hindi pa naman nakakaabot sa bunso nila dahil hindi pa siya inuusisa nito. Isa pa, aalis na ang dalaga sa loob ng mahigit-kumulang na pitong buwan. Ibig sabihin, mababawasan na ang mga di-inaasahang pagkikita nila. Mababawasan na rin at paniguradong tuluyan nang maglalaho ang pang-aalaska ng mga kapatid niya.
“May sinalihan ka na bang org?” tanong ni Chino sa kanya maya-maya.
Umiling lamang si Mason at ipinagpatuloy ang pagbabasa. Inaya na siya nila Clarisse na sumali sa UP Junior Philippine Institute of Accountants o UP JPIA subalit umayaw lang siya kaya nauna na ang mga itong nag-apply sa naturang organisasyon.
BINABASA MO ANG
From A Distance
Teen FictionFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...