"Meet Sapio Girl," bulong ni Mason sa telepono.
Sinundan iyon ng isang mahabang katahimikan na tanging ang nagwawalang tibok ng puso niya lamang ang kanyang naririnig.
Maya-maya pa ay napabulalas na si Louie sa kabilang linya. "Holy shit..." At pagkaraka ay nakarinig siya ng pagkalabog kasunod ang papalayong mga yabag ng paa.
Kumunot ang noo niya. "Uh...L-Louie...?"
Matagal pa siyang naghintay na may sumagot sa kabilang linya subalit wala na siyang ibang narinig kundi ang mahinang hangin mula sa air conditioning unit sa silid ng dalaga. Minabuti na lamang niyang tapusin ang tawag at humilata sa kama habang ang utak ay labis na nagulumihanan sa naganap.
Gamit ang isang kamay, dinama ni Mason ang kanyang dibdib. Napakalakas pa rin ng pagtibok niyon. To think, all he did was make Louie realize that she was Sapio Girl—his Sapio Girl. Paano na lamang kung harap-harapan na siyang nagpahayag ng panliligaw?
Iniisip pa lamang ni Mason iyon ay naduduwal na siya. Kayanin kaya niya?
Pero binagsak ni Louie ang telepono. Baka hindi ka pa nanliligaw, basted ka na?
Gamit ang isa pang braso ay itinakip niya ito sa mga mata. His jaw clenched at the mere thought of it.
Never assume unless otherwise stated.
Never assume unless otherwise stated.
Never assume unless otherwise stated.
Unulit ulit niya iyon sa kanyang isipan na tila isang dasal. Hanggang sa natawa na lamang siya sa napagtanto.
Mahirap palang hindi mag-assume ng kahit ano. He may not be assuming the positive outcome but his mind was always churning up something negative. Which, technically, is still an assumption.
He needs to stop over-analyzing everything.
Isa lang naman ang kailangan niyang gawin upang malaman niya ang tunay na saloobin ni Louie at hindi iyong ganitong halos masiraan siya ng bait sa kakaisip ng kung anu-ano.
Bumuga siya ng hangin bago kinuhang muli ang telepono at pinadalhan ng mensahe ang dalaga. Nais niyang muling makipagkita rito upang pormal at personal na makapagpahayag ng panililigaw.
Hindi na siya naghintay na sumagot ito nang mabilis kaya tinalikuran na niya ang telepono at pinilit ang sariling matulog na lamang. Subalit tila ba kusa siyang nagigising tuwing magre-reply si Louie kada labin-libang minuto yata bagamat naka-silent naman ang kanyang phone.
Sa pagkakataong iyon, matagal niyang tinitigan ang screen upang abangan ang magiging tugon ng kausap.Kung maaari sana'y ayaw na niyang patapusin ang taon nang hindi nagtatapat kay Louie nang mabawas-mabawasan man lang ang kanyang mga agam-agam. Ilang taon na rin niyang itinago ang kanyang pagsinta. Nais niyang malaman kung may patutunguhan ba ang kanyang nararamdaman. O isa lamang iyong kahibangan.
BINABASA MO ANG
From A Distance
Teen FictionFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...