Mason woke up hopeful. And anxious. Anxious, mostly.
Sa katunayan, halos hindi siya nakatulog sa kakaisip kung ano ang mangyayari sa araw na iyon. And the fact that Louie didn't receive his confession well added to his anxiety.
But taking his brother's advice, he wasn't thinking of backing down on this.
He wasn't going to back down. Period.
At iyon ang paninindigan niya.
Kaya naman nang matapos ang mga klase niya sa umagang iyon, lakas-loob niyang tinahak ang daan patungo sa building kung saan kasalukuyang may klase si Louie. Bago siya tumuloy doon ay naisip muna niyang bilhan ng siomai rice ito dahil batid niyang hindi pa rin kumakain nang matino ang dalaga.
Nang makarating siya roon ay sumandal muna siya sa dingding at doon kinalma ang sarili.
He shouldn't overthink this. Kailangan lang niyang gawin ang dati nang ginagawa. Ang kaibahan lang, his feelings for Louie were now factored in.
And that was exactly what's making him antsy. Because he was now expecting something in return.
For Louie to reciprocate his feelings positively.
Dahil paikot-ikot na ang iniisip, napahilamos sa mukha si Mason.
At doon nakita ang pamilyar na lalaki. Hindi niya agad maalala kung saan ito huling nakita.
Chocolate Kiss.
Tama. Ito ang kasama ni Louie sa Chocolate Kiss bago nila puntahan sa ospital si Charlie nang magka-amoebiasis ito.
Muli niyang sinulyapan ang lalaki. Si Louie rin kaya ang sadya nito?
Their eyes met. And recognition flashed in the guy's eyes and they exchanged brief nods.
Ibinaling ni Mase ang tingin sa iba. Subalit maya-maya pa ay naramdaman niya ang paglapit ng lalaki.
"Hey, waiting for someone?" anito.
Tumango lamang si Mason at inabala ang sarili sa pagkalikot ng cellphone. Alas onse y media na. Mukhang nag-overtime ang klase ng dalaga. Naramdaman niyang nakatingin pa rin na tila sinusuri siya ng binata.
"By chance, are you waiting for Louie Kwok?"
Mukhang tama nga ang hinala niyang iisang babae lang ang sadya nila. Mason squared his shoulders and gave the guy a level stare. "Oo."
Mas lalong lumapit ang binata at tulad niya ay tumayo ito nang tuwid bago inilahad ang kamay. "Looks like we're waiting for the same girl. Dale nga pala."
Mabilis siyang nakipagkamayan dito. "Mason."
"You guys have an appointment? I don't remember her telling me that. We're supposed to have lunch together."
May kaunting kirot na naramdaman si Mase sa tinurang iyon ng binata. He couldn't let go of the thought na baka nanliligaw rin ito kay Louie. Ikinuyom na lamang niya ang palad. "Wala. Gusto ko lang siyang dalawin. Kailangan bang may appointment para dumalaw?"
Bahagyang ngumiti ito. "I see. So uh..." saka tinunghayan nito ang plastic na dala ni Mase. "Sasama ka sa amin?"
He didn't know why the guy was being aggressive. Hindi rin naman siya magpapasindak kaya nagkibit-balikat na lamang siya. "Depende kung okay lang sa inyo."
Ngumisi ito. "Let's leave that for Louie to decide."
Dama ni Mason ang pamumuo ng tensiyon sa ere. Lalo na nang nagsimulang magsilabasan ang mga mag-aaral mula sa silid.
BINABASA MO ANG
From A Distance
Teen FictionFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...