Dahil tuwang-tuwa ang bunso sa pakikipaglaro sa tuta, pinayagan itong sumama muna pabalik kina Mason sa apartment kinabukasan. Mainam na rin siguro iyon, hindi maiinip ang tuta kung siya lamang ang mag-aalaga.
"Hindi ba dapat 'Bark' ang ipinangalan mo rito?" takang tanong ni Charlie nang makarating sila sa unit. "Kasi diba, yun ang tunog na ginagawa ng mga aso?"
Nagkibit-balikat lamang si Mase habang inilalatag ang mga diyaryo malapit sa higaan ng tuta. Ayon kasi kay Hiro, trained na ito upang dumumi o umihi sa diyaryo.
"Ah, alam ko na kung bakit Lark ang ipinangalan mo kay puppy!" natutuwang anunsiyo nito.
Bahagyang kinabahan naman si Mason. "Bakit?"
"Hehe. Kasi nga, 'bark' ang tunog ng aso. Tas dahil bigay ni bespren Louie, ginamit mo yung L sa pangalang niya. 'Louie' plus 'bark' is equals to 'Lark'!"
"Equals lang," pagtataman niya rito.
"Ha?"
"Hindi tama yung one plus one is equals to two. Either one plus one EQUALS two. O kaya One plus one is equal to two," paliwanag niya.
Ngumuso naman ang kausap. "Para ka namang si Kuya Chuckie. Grammar Nuts."
Hindi na napigilan ni Mase ang pagbulanghit. "Grammar Nazi."
"Anong kaibahan non? Magkatunog naman ah," katwiran ni Charlotte bago kinuha ang lumang bola ng softball at pinagulong iyon sa sahig na siya namang hinabol ng tuta.
"Mali yung Grammar Nuts. Hindi 'yon ang tamang term. 'Nazi' ang tawag sa mga pulis nung panahon ni Hitler."
"Ah, yung diktador sa Germany-waw! May natutunan ako sa History, Mase!" di-makapaniwalang sambit nito na ikinatuwa naman niya. "Teka, pero diba....wala silang awang pumapatay ng mga Jews? Ibig bang sabihin, papatayin din ako dahil mali-mali ang English ko?" Napasinghap pa ito't napatutop sa bibig.
"Oo. Kapag hindi mo inayos ang pagsasalita mo," seryosong tugon naman niya.
Lumabi naman ang kapatid. "Eto naman, biro lang yun eh. Pero sige. Magpa-practice pa ako. Pero anong ginagawa ng mga Grammar Nazi."
"Idiomatic expression lang 'yon ng mga sobrang istrikto sa balarila."
"Bari-ano?"
"Balarila. Tagalog ng grammar."
Napakamot na lamang sa uli ang bunso. "Ang talino mo talaga. Penge naman ako ng brain cells. Sinabi ko lang kung paano mo nakuha ang pangalan ni Lark, kung saan-saan na napunta ang usapan. May libreng tongue-twister pa. Pero ano nga? Tama ba ako? San mo ba nakuha yung Lark?"
BINABASA MO ANG
From A Distance
Teen FictionFrom the moment his eyes laid upon her, she has started running in his mind. Curiosity must have killed the cat, but the desire to know her more drove him to uncover a myriad of secrets... Until he finally understood-- She's a lost soul chained t...