25. Pakikipag-Usap

21.1K 276 86
                                    

Sa payo ng kanyang Kuya Chino, unti-unti nang nakikipag-usap si Mason sa mga kaklase niya nang hindi puro tango at iling lamang ang naisasagot. Malaki rin ang naitulong ni Clarisse sa mga pagkakataong iyon. Di naglaon ay nakatagpo rin siya ng mga kaibigan.

“Ano na nga kasi ‘yung another term for ‘energy’?” tanong ni Kier, kakurso ito nila Mason at kaklase rin niya sa NatSci 2.

Ilang segundo niyang tinitigan ito sa mata bago nagsalita. “Adenosine triphosphate.”

 

Pinanliitan siya nang tingin ni Kier. “Tangina, Mase. Nakakabakla ang tingin mo ah. ‘Wag ngang ganyan!” reklamo nito saka nagkunwaring nag-ipit ng buhok sa likod ng tenga at humagalpak sa tawa.

Natatawang nagsalita naman si Gwyndele. “Pansin ko lang, ganyan ka ba talaga kapag nag-iisip? Tinititigan mo sa mata ang kausap mo?”

“Masanay na kayo,” susog naman ni Clarisse. “Isipin niyo na lang kung ilang babae sa UST ang nahumaling sa kanya dahil sa ganyang habit niya.”

Napangiwi na lang si Mason. Hindi rin niya alam kung bakit sa mata ng kausap siya tumitingin kapag nag-iisip. Tila ba doon niya nakikita ang correct answer sa equation na kasalukuyang sinasagutan.

“Hooo, siguro isa ka sa mga babaeng nahumaling sa kanya, ‘no? Kaya lagi kang nagtatanong sa kanya para lagi ka niyang tignan?” panunukso naman ni Patrick na isa pa nilang blockmate sa BAA.

Pilit ang tawang inilabas ni Clarisse. “Ayan na naman kayo ah. Mase, ‘wag ka ngang nakikinig sa mga ‘to. Mamaya maimpluwensiyahan ka bigla.”

“Hoo! Kunwari ka pa!” halos sabay pang sabi ng mga ito.

Mahinang tawa rin ang naiganti ni Mason sa mga ito. Kahit sinusubukan kasi niyang makipagsabayan sa pag-uusap, hindi talaga niya maiwasan ang tumahimik upang makinig na lamang. Kung minsan din ay tila napapagod siya sa tuwing dinadalasan niya ang pagsasalita.

“Nga pala, diba UPCAT na bukas?” pag-iiba ni Clarisse. “Magte-take ba si Charlie?”

Tumango naman si Mason. “Sa Sunday ng umaga ‘yung nakuha niyang sched.

“Sasamahan mo siya?” muling tanong nito at isang tango ulit ang naisagot niya.

Kasalukuyan silang nasa Math 17 class at dahil napaaga nang dating, wala pang gaanong tao sa silid-aralan. Kapwa sila napatanaw sa ilang maiingay nilang kamag-aral na sunod-sunod na pumasok at dumiretso sa pisara. Napansin na ni Mason na ang mga ito ang laging nag-uunahang sumagot sa mga equations na binibigay ng guro.

“Sige nga,” hamon ng babaeng kasama ng mga ito. “Kung magaling ka talaga, sagutan mo nga without using a pen and a paper: Determine the resistance of a bus bar made of copper if the length is 10 meters long and the cross-section is a 4 x 4 cm2. Use 1.7241 micro ohm-cm as the resistivity.”

Tulad nang inaasahan, nagsimula rin siyang mag-compute sa isip habang nakatingin sa mga mata nung babaeng nagsalita. Tila naglaho rin ang mga naririnig niyang usapan habang mabilis na nabuo sa isipan ang tinutukoy at sinagutan sa isipan ang naulinigang katanungan.

From A DistanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon