Kabanata 1

6.8K 63 0
                                    

Kumatok ako sa kwarto ni Ma'am Patty bago pumasok. Tulog pa rin siya.

Binuksan ko ang kurtina kaya naman tumama ang init sa mukha niya na siyang ikinagising nito.

"What time is it Trina?" She asked.

"Oras na po para gumising kayo, alas nuebe po ay pupunta na po kayo sa school para po sa enrollment." Sabi ko sa kanya.

Napaupo ito. At naningkit ang mga mata. "Bakit ako lang?"

"Po?"

"Pati ikaw sasama, mag-eenroll ka din. So fix yourself at pupunta tayong dalawa." She said.

"Pero ma'am wala po akong pang enroll—."

"That's not a problem Katrina, and please don't call me ma'am, hindi porket nagtatrabaho ka sa amin ay tatawagin mo ako ng ma'am, magka-edad tayo at kaibigan kita."

Ngumiti ako. "Sige po—."

"Urghh, wag ka na rin mag po. Fix yourself, mag-aayos na ako." Sabi nito at bumangon na.

Lumabas ako ng kwarto ni Ma'am Patty, I mean Patty, sakto namang makakasalubong ko si Ma'am Emelda ang mommy ni Patty.

"Good morning ma'am." Bati ko.

"Trina bakit hindi ka pa nag-aayos?"

"Po?"

"Mag-eenroll ka rin kasama ni Patty, don't say no dahil kami magpapaaral sa'yo."

Nagulat ako sa sinabi ni Ma'am Emelda Buenavista.

"P-pero ma'am nakakahiya naman po, gagastos pa po kayo sa pag-aaral ko, kahit wag nalang po. Mag-iipon nalang po ako ng pera para sa pag-aaral ko."

"No Trina, kailangan mong pumasok dahil magaling kang bata, sayang kung hindi ka makapagtapos. Wag mo ng intindihan ang pera dahil kami na ang bahala."

"Pero ma'am—."

"Trina please wag mo ng tanggihan ang pagtulong namin sa'yo."

Napaluha na ako. "Ma'am salamat po, salamat po sa kabaitan niyo sa akin magmula po dumating ako dito."

Nilapitan ako ng ginang at pinunasan ang mga luha at inayos ang buhok ko, nginitian niya ako. "Tapusin mo ang pag-aaral mo para may maipagmalaki ka na sa nanay mo, baka kasaling magbago siya."

Tumango ako. Alam ng mga Buenavista ang kalagayan ko kaya naman pagkapasok ko sa mansion nila ay iba ang turing nila sa akin. Hindi nila ako tinuring bilang katulong, itinutring nila akong pamilya.

"And Trina, from now on hindi mo na gigisingin si Patty, hayaan mo siyang gumising mag-isa, sumusobra na ang brat na iyan." Saad ni Ma'am Emelda.

___

Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Simple lang ang suot ko, printed na t-shirt at kupas ng jeans at sinuot ko ang kaisa-isang luma kong shoes.

May mga damit na ibinigay sa akin ni Patty, pati na rin shoes pero parang ayokong suotin dahil hindi nababagay sa akin ang mga branded na gamit.

Napalingon ako sa pintuan ng bumukas ito.

"Don't tell me iyan ang isusuot mo? Saan napunta ang mga damit na ibinigay ko. You need to change come one." Sabi ni Patty at nagkalkal ng damit sa closet.

Here bagay ito sayo, bilisan mo magbihis ka, at itong shoes na ito ang isusuot mo, go change." Utos nito.

Napakamot ako ng ulo.

Kahit ayaw ko ay isinuot ko pa rin ang damit na gusto ni Patty na isuot ko.

Isang tattered skinny jeans, of shoulder na shirt at ang white rubber shoes. Hindi ako sanay sa off shoulder at tattered.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon