Kabanata 15

3.9K 38 3
                                    


"Trina! Trina!" Salubong sa akin ni Yna pagkapasok ko ng gate.

"Yna? May problema ba?"

Ngumiti si Yna. "Sumama ka sa akin." Masayang sinabi nito at hinila ako.

"Anong meron?" Tanong ko pagkarating namin sa may bulletin board.

"Excuse me, excuse me." Sabi nito sa mga nakaharang doon, at may itinuro ito sa akin.

Pangalan ko iyon.

"Pasok tayo! Nakapasa tayo sa audition." Masayang ani ni Yna.

Muli kong binasa ang nakasulat, oo nga. Mga pangalan ng mga nakapasa sa audition, at may pangalan nga kami ni Yna.

Hindi ako makapaniwala!

Dahil sa saya ay napatalon kami ni Yna.

"Paano mo nagagawang magsaya?"

Nawala ang mga ngiti ko sa sinabi ni Sara.

"Ano?"

Masama ang timpla ng mukha nito, naniningkit pa ang mga mata niya.

"Ang sinabi ko paano mo nagagawang magsaya kung may tao ka namang siniraan sa mga judges?"

Kumunot ang noo ko.

"Hindi ko alam ang sinasabi mo.", Sabi ko.

Hinawakan ni Yna ang kamay ko "Halika na Trina."

Aalis na sana kami pero humarang si Sara.

"Bakit mo ako siniraan sa mga judges? Dahil sayo hindi ako nakapasok sa audition dahil sa paninira mo!" Galit na sinabi nito.

Napapatingin na sa amin ang ibang estudyante. May mga nagvivideo pa.

Umiyak si Sara. "Ano bang ginawa ko para siraan mo ako? Wala naman di ba? Siniraan mo ako para ikaw ang makapasok hindi ba? Bakit Trina?" Sinabi nito na umiiyak.

"H-hindi ko alam ang sinasabi mo Sara." Sabi ko. Nakakahiya na, nagbubulungan na ang mga nakapaligid sa amin.

"Wag ka ngang umarte Sara, bakit ka naman sisiraan ni Trina?" Tanong ni Yna.

"Dahil galit siya sa akin, dahil naiinggit siya." Umiiyak pa rin ito.

Ano bang pinagsasabi nito? Wala akong alam sa sinasabi niya.

"Naghahanap ka talaga ng away ano? Pwes kung gusto mo ng away sige ibibigay ko!" Bigla akong sinugod ni Sara at sinabunutan.

Napahiga pa kami.

Hindi ako makalaban dahil sobrang sakit na ng ginagawa niya. Pilit ko siyang tinutulak, pati si Yna ay umaawat pero ayaw magpaawat ni Sara.

"Ano ba! Hindi ba kayo tutulong?!" Ani Sara sa mga nakapalibot sa amin, pero wala atang balak tumulong.

"What is happening here!" Sigaw ng kung sino. "That's enough!"

Hinila ng kung sino si Sara kaya tumigil na ito, tinulungan naman ako ni Yna na makatayo at inaayos nito ang buhok ko.

"Ano bang nangyayari sa inyong dalawa?" Tanong ni Tyron, siya pala ang nanghila kay Sara.

"Kasi siya! Siniraan niya ako sa inyo! Bakit niya nagawang siraan ang kapwa niya?" Wika ni Sara.

"Anong siniraan?" Mahinahon na tanong ni Tyron dito.

"Kung anong sinabi sainyo kaya hindi ako nakapasok sa audition."

Nag smirk si Tyron at umiling. "Hindi ka niya siniraan, walang siyang sinisiraan. Kung hindi ka nakapasok ay dahil sa attitude mo, sinabi ko sa mga kasama ko ang narinig kong sinabi mo kay Trina, na gagawa ka ng kung ano para hindi siya makasali hindi ba?" Ani Tyron dito.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon