"Iha are you okay?"Nagulat ako dahil sinalubong ako ng yakap ni Mrs. Parker.
"Anong ginawa ni Ynigo sa'yo?" Nag-aalala niyang sinabi. Nagtataka man sa galaw niya ngunit gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pagyakap niya sa akin at pag-aalala niya, yakap at pag-aalala ng isang ina na hindi ko man lang naranasan kay nanay.
"Alam na ba ito ng nanay mo?" Tanong sa akin ni Mrs. Parker.
Umiling ako.
"Kahit malaman pa ata ng nanay ay wala rin siyang pakialam." Bulong ni Darwin pero dinig na dinig ko yun kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata, mabuti nalang at ako lang ata ang nakarinig nun.
"Si Ynigo nasaan siya?" Tanong ng ginang.
"Nasa office siya ni dad ngayon mom, dinala siya doon ng parents niya and we need to go there." Ani Connor. "Kung sana hinayaan niyo ako kanina ay nakatikim pa siya ng mas matindi kaysa sa isang suntok lang." Galit at masamang tiningnan niya si Rage.
"Connor!" Saway ni Mrs Parker. "Tama lang na pinigilan ka nila, kung sinugod mo siya hindi na namin alam kung anong kaya mong gawin sa kanya, maidemanda ka pa. Mas maganda ng wag niyo siyang galawin, dahil kapag nagkataon kulungan din ang bagsak niyo!"
Tumingin sa akin si Mrs. Parker. "Ikaw ang gusto naming tanungin iha? Gusto mo ba siyang idemanda?"
Nabigla ako sa tanong niya. "P-po?"
"Sa ginawa niya sa'yo ay pwede mo siyang idemanda. Tutulungan ka namin."
"S-sa totoo lang po may mabuting kalooban si Ynigo, nagawa niya lang po yun para kay Vivian. Natakot po ako sa ginawa niya, pero kung hihingi po siya ng tawad sa akin at hinding-hindi na uulitin ang ginawa niya ay willing po akong tanggapin ang paghingi niya ng tawad." Ani ko.
"Tsk. Napakabait naman oo. Demanda mo na para matikman ang buhay rehas!" Naiinis na sinabi ni Connor.
"Connor ano ba!" Muling saway ni Mrs. Parker. Umiiling na umalis si Connor, sinundan naman ito ni Rage.
"Pagpasensyahan mo na si Connor, masyadong concern." Ani Mrs. Parker.
Pansin ko nga eh, pero bakit?
"Talk to Ynigo if he is willing to ask an apology. Kung ayaw niya, at nagmamatigas siya, idemanda mo na." Sabi ni Patty sa akin.
___
Nagpunta ako sa grass court kung nasaan si Connor, kasama niya si Rage at naglalaro sila ng tennis. Kita ko ang malakas na pagtira ni Connor sa tennis ball. Parang galit na galit itong naglalaro.
Nakita ako ni Rage at sinenyasan niya si Connor kaya napalingon siya sa akin.
Lumalit si Rage sa akin. "You want to talk to him?" Tanong niya
"Sana, kung okay lang kaya sa kanya."
"Lapitan mo na, okay lang sa kanya." Sabi ni Rage at naupo siya. Nanginginig ang mga paa ko havang papalapit kay Connor na tinatamaan ang mga bola.
"Connor." Tawag ko sa kanya. Hindi siya nagsalita. "Na appreciate ko ang pag-aalala mo sa akin. Pero kasi—."
"Hindi mo magawang ireklamo si Ynigo? Why? Because of who? Because of Vivian dahil naging kaibigan mo siya?"
"Hindi, hindi sa ga—."
"Okay okay, I understand. Kung hindi lang kita —." Napayuko ito at hindi na itinuloy ang sasabihin.
Kumunot ang noo ko. "Kung hindi ako ano?"
Ngumiti ito. "Wala, you know how to play tennis?" Tanong niya. Hindi oa ako nakakasagot ay ibinigay niya sa akin ang isang racket.
![](https://img.wattpad.com/cover/312808628-288-k316878.jpg)
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...