Kabanata 63

4K 42 0
                                        


Pagkalapag ng eroplano ay agad akong tumayo, nagmamadaling lumabas, inunahan ko na ang iba, ayokong mahuli dahil baka biglang lumabas si Rage delikado na, lalo na't ayaw na niya akong makita. Nawala ang kaba ko pagkalabas ko. Hinihintay ko nalang ang gamit kong lumabas.

"Captain Aldeguer how are you!" Narinig ko sinabi ng kung sino sa likuran ko.

Nanlaki ang mga mata ko. Oh my gosh. Bakit ba ang tagal lumabas ang bagahe ko? Sobra na akong kinakabahan, hindi ako mapakali, ayokong lumingon baka nasa likuran ko lang siya eh.

"I'm fine. How are you?" Narinig kong sinabi ni Rage, napakalapit kang, ibig sabihin malapit lang siya sa kinaroroonan ko. Agad kong hinila ang gamit ko at nagmamadaling umalis. Siguro naman hindi niya ako napansin.

"Let's go Gabriel, let's go." Ani ko kay Gabriel ng makita ko na siya, sinalubong niya kasi ako.

"Huh?"

Ibinigay ko sa kanya ang gamit ko. "Tara na, kailangan na nating umalis, Rage is here, ayokong makita niya ako, ayokong magkaharap kami." Ani ko, nag jacket na ako at isinuot ko ang hood ng jacket at nauna na akong naglakad.

"Gabriel?"

Nanlaki ang mga mata ko! Oh shocks. Naghanap ako ng pwede kong pasukan, pagtaguhan, ang ginawa ko nalang ay nagpunta ako sa gilid at nakiupo ako sa mga naghihintay ng mga susunduin nila, siguro naman hindi niya ako mapapansin.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil may lumapit sa akin, dahan-dahan akong nag-angat. Nakahinga ako ng maluwag dahil si Gabriel lang pala iyon.

"Umalis na siya." Anito.

Lumingon ako, wala na nga siya doon. Napangiti ako at tumayo na tsaka kumapit ako sa braso ni Gabriel at tinungo na namin ang exit.

"He asked me if what I'm doing here, syempre may dala akong maleta kaya sinabi kong kararating ko lang. May nangyari na naman ba?"

"Ikwekwento ko mamaya."

____

"Anong sinabi mo?"

Nginitian ko si Gabriel. "May trabaho ako, ng ilang araw lang." Ani ko.

"Tapos anong trabaho yun?"

"Maid for only 10 days." Nakangiting sinabi ko.

"Bakit kailangan mo pang magtrabaho?"

"Para hindi naman ako mabored, hindi puro aral, ten days lang iyon. Nami-miss ko ang maglinis eh, pagsilbihan ang iba."

"Namimiss mo ang maglinis? Ang lawak-lawak nitong bahay para linisin oh. Gusto mo ng may pinagsisilbihan? Nandito naman ako ah para pagsilbihan mo."

"Bakit sweswelduhan mo ba ako?"

"Wow ah."

"Di mo rin naman ako sweswelduhan, syempre kailangan ko ng pera, pera na pinaghirapan ko. Kung hindi mo rin lang ako sweswelduhan   di—."

"Oo na, oo na papayagan na kitang magtrabaho, pero sabi mo 10 days lang di ba? Patay ako nito kapag naman nilan—."

"Wag kang mag-alala 10 days lang talaga, kaya wag mong babanggitin ito kina kuya, lalo na kay daddy."

"Oo na. San ka ba magtatrabaho? Saang bahay?"

"Hindi naman malayo dito sa atin eh. At lalakarin lang, sa pang anim na bahay ay doon na." Ani ko.

"Stay in?"

"No, stay out. Ang lapit lapit lang kaya uuwi ako. Kaya ngayon pupunta ako doon, kasi nandun na daw ang magiging amo ko for 10 days, and take note kababayan natin siya. Kaya dito ka na muna Gabriel ha. Bye." Nakangiting sinabi ko at lumabas na. Tumingala ako at nakangiting pinapanuod ang mga snow. Ibinalot ko sa akin ng husto ang coat ko at naglakad na papunta sa bahay ng magiging amo ko. Nakita ko kasi sa isang advertisement na may naghahanap ng katulong for 10 days lang, at ang laki ng sahod, tiningnan ko ang address ay sakto malapit lang kaya naman  kinuha ko na ang opportunity, ayokong manatili lang sa bahay.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon