Kabanata 32

3.6K 41 0
                                    

"Stop it!" Umalingawngaw ang sigaw ni Rage sa buong pool na siyang nagpatigil sa aming lahat.

"This girl started it, basta-nasta nalang sumusugod, ako ang sinisisi sa pagpapakalat ng picture nila ni Tyron." Saad ni Sara habang itinuturo niya ako.

"Madaming ginagawa dahil isang araw nalang sports league na, pero heto kayo at nag-aaway, bakit hindi nalang kayo tumulong sa pag-aayos at ng may magawa kayo." Ani Rage kay Sara at sa mga kasama nito. Tumingin naman ito sa akin. "And you, your group is waiting for you." Seryosong sinabi nito. Bakit parang hindi si Rage ang nasa harapan namin, ang seryoso niya masyado eh.

"Fine. But it's not my fault kung bakit nagkalat na naman ang litrato niyo ni Tyron, but believe me Rage, I saw it, nandun ako nakita ko ang pagyayakapan nila. But I'm not the one leaked it." Sabi ni Sara at inirapan ako.

Binangga pa ako nito kaya naman na out balance ako , napatili ako at ang ibang mga estudaynte, nahulog lang naman ako sa pool, ang lalim? Hindi ako marunong lumangoy eh!

Nakakainom na ako ng tubig, itinaas ko ang kamay ko para malaman nilang nalulunod na ako.

May humawak sa kamay ko para hilain bago hinawakan ang beywang ko, napaubo ako ng mai-ahon ako ng tumulong sa akin.

"Trina are you okay?" Si Tyron iyon! Siya ang tumulong sa akin. Hinahaplos nito ang likuran ko, ubo pa rin ako ng ubo.

"Look what you've done Sara!" Narinig kong singhal ni Darwin kay Sara na parang gustong-gusto ang nangyari sa akin.

Ipinatong ni Darwin ang tuwalya sa akin at binigyan niya din ng tuwalya si Tyron.

"My bad." Sambit lang ni Sara at tumalikod na para umalis.

Hinanap ng mga mata ko si Rage, likod nalang niya ang nakita ko dahil palabas na siya.

Bakit hindi man lang niya ako tinulungan? Bakit so Tyron pa na halatang kararating lang. Si Rage naman ang nandun pero bakit?

"Rage is about to help her, tatalon na sana siya pero inunahan mo." Umiiling at nakangiting sinabi Darwin kay Tyron.

So tutulungan na sana niya ako? Hindi man lang niya ako tinanong kung okay lang ako, eh lagi siyang nagtatanong kapag may nangyayari sa akin.

Ang weird niya ngayon.

____

"That Sara girl! Where is she? I want to see her and I want to sabunot-sabunot her! She's making me galit ah." Conyo na wika ni Patty habang iniabot niya sa akin ang damit ko. Mabuti nalang nagdala ako ng extrang damit.

"I will help you." Sabi naman ni Yna.

"She's in the classroom." Saad naman ni Gail.

"Girls relax, wag na okay. Hayaan niyo na siya." Ani ko.

"Trina masyado kang mabait, minsan naman ay lumaban ka na, mas magandang bigyan yun ng leksyon para tigilan ka." Ani Yna sa akin.

"I think mabibigyan na talaga siya ng leksyon." Saad ni Patty habang nakatingin sa phone niya, may pinapanuod ito.

Ipinakita niya sa amin ang video na pinapanuod niya. Kausap ni Connor si Sara doon, base sa boses ni Connor ay galit ito. "Even if I'm just the son of the owner of this University I have the rights also to give you a punishment. Mayaman ka hindi ba? Alam mo magandang punishment mo ay subukan mo din kayang maghirap, lahat ng gawain ng janitor dito gagawin mo, clean the whole University, hindi ka tutulungan ng mga janitor dito, walang tutulong sayo! That is my command, magtatrabaho ka dito ng isang linggo, pasalamat ka isang linggo lang. Wala ka ding karapatang utusan ang mga janitor dito, ikaw ang uutusan nila." Iyan ang sinabi ni Connor.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon