"Justin Suarez." Sambit ko na siyang ikinatigil niya."What about him?" tanong niya.
Hinanap ko ang number ni Justin sa cellphone ko at kinuha ang papel at ballpen na nakita ko, isinulat ko ang number ni Justin.
"That's his number. Call him, mas better na magpa-DNA sila ng anak mo and he is looking for you." Ani ko. "I'm going." Saad ko at tinalikuran ko na siya para lumabas.
"Why are you doing this?" Tanong niya.
Hinarap ko siya "What?" I asked.
"Sa dami ng ginawa ko bakit hindi ka magalit sa akin ngayon? Isumbat mo na lahat-lahat, tatanggapin ko." Anito.
Ngumiti ako. "Kahit nainis at nagalit ako ng husto sayo ay hindi ko kayang isumbat iyon. Okay ng hindi ako magsalita tutal tatlong taon na rin ang nakakalipas. Kung may kailangan ka, kung kailangan mo ng tulong lumapit nalang sa akin, hindi ko isinasara ang pintuan para sayo. Mag-iingat kayo, aalis na ako." Saad ko.
"I'm sorry."
Hindi ko inaasahan ang sinabi niya. Umiiyak na siya sa harapan ko.
"I'm sorry, I'm sorry. Dahil sa pagmamahal ko kay Rage kaya ko nagawa ang lahat ng iyon, hindi ko hinihingi ang kapatawaran niyo ngayon, pero sana, sana dumating ang araw na mapatawad niyo ako." Sabi niya. She's sincere.
I smiled. "Mag-uusap nalang ulit tayo sa susunod." Ani ko at umalis na.
____
"You're so pogi Calix." Ani ko kay Calix at pinisil ang pisngi niya. Bagay na bagay sa kanya ang suot niyang spiderman costume, spiderman kasi ang theme ng birthday niya. By the way, ngayon ang birthday party niya.
"Mana sa daddy." Ani Kuya Connor.
"Mana sa lolo." Ani ko at inaasar si Kuya.
"Kailangan na nating bumaba, nandito na ang mga bisita." Ani Yna.
Ako na ang humawak ng kamay ni Calix, sabay-sabay na kaming bumaba.
"May inaanak is super cute." Nakangiting sinabi ni Patty at sinalubong si Calix at binuhat ito kahit mabigat, pinapak ng halik ang pisngi ni Calix. Madami na palang bisita, kompleto din kaming magkakaibigan, oh no. Si Rage lang pala ang wala. Si Grego din wala, hindi sila makauwi ni Carol, yes sila na ni Carol. Ang daming nangyari nung wala ako. Well si Tyron balita ko ay may idinidate na hindi ko nga alam kung sino, hindi ipinakilala sa akin, si Gail single katulad ko, si Patty at Darwin kasal na, ang lungkot ko nga dahil hindi ko nakauwi, ako sana ang maid of honor eh pero may emergency kasi kaya di ako nakauwi. Nagpakasal na din sina Kuya at Yna, availbale ako noon kaya umuwi ako noon dahil ako ang maid of honor, pero that time hindi nakarating si Rage. Nung binyag naman ni Calix nandun si Rage pero ako naman ang wala. Ngayong birthday ni Calix hindi kaya siya makakapunta?
Nagsimula na ang party, enjoy na enjoy si Calix. Habang kumukuha ako ng pagkain ko ay hinila ni Calix ang damit ko.
"Tita wash hands." Aniya at ipinakita ang kamay niyang madumi.
Iniwan ko na muna ang plato ko at pumasok kami ni Calix sa loob ng bahay. Hinila ko ang upuan para pumatong siya doon para makahugas ng husto, mabigat siya hindi ko siya kayang buhatin.
Hinanap ko ang sabon pero wala, binuksan ko ang cabinet sa itaas para kumuha ng sabon pero di ko maabot, nasa dulo pa naman.
Nabigla ako dahil may sumulpot na tap sa likuran ko at siya ang kumuha sa sabon. Hirap talaga kapag maliit ka ano.
Hindi ko inaasahan na si Rage ang taong iyon! Dumating siya! Iniabot niya sa akin ang sabon. Dalawang beses pa akong napapikit habang nakatingin sa kanya. "S-salamat." Ani ko at umiwas agad ng tingin. Sinabon ko ang kamay ni Calix.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...