Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Rage sa akin kanina, hindi siya ang ama ng dinadala ni Chelsea, tama nga ako iba ang ama ng bata pero nakakagulat lang ay hindi niya alam kung sino ang nakabuntis sa kanya, kay Rage niya pinapaako dahil gusto niyang bumalik si Rage sa kanya. Ibang klase din siyang babae.
"You okay?" Tanong ni Yna sa akin, napansin niya atang tahimik ako.
"Yeah, may iniisip lang ako."
"Tungkol sa kasal ang usapan, kayo ba ni Rage ay napag-uusapan na ang kasal?" Tanong sa akin ni Darwin sa akin.
"Not yet."
"Why?" Tanong ni Patty.
"Kailangan na makapagtrabaho na muna ako, gusto kong may ipon din ako, ayokong umasa kay Rage ano."
"Very well said, pero ang dapat na tinatanong tungkol sa kasal ay sila." Inginuso ni Darwin si Kuya at Yna na tahimik lang na kumakain pero natigilan sila at napatingin sa amin.
"Ano yun?" Tanong ni kuya.
"Ang sabi ko kailan ang kasal? May anak na kayo, kasal nalang ang kulang sa inyo." Ani ni Darwin na sinang-ayunan namin.
"Walang kasal na magaganap sa pagitan namin." Natahimik kami dahil sa sinabi ni Yna, seryoso ito. Si kuya naman ay mukang hindi inaasahan na sasabihin ni Yna iyon.
Ngumiti si Yna at tumingin kay Kuya Connor. "Hindi ba? Dahil ang pakakasalan mo ay si Quincy."
What the heck!
Nakakunot na nakatingin lang si kuya kay Yna. Nakatingin lang sila sa isa't-isa. Si kuya pakakasalan si Quincy? Oh my gosh!
"Ituloy na natin ang pagkain, kumain nalang tayo." Nakangiting sinabi ni Yna sa amin.
Nagulat kami dahil sa ingat ng kutsara, padabog kasi na binitawan iyon ni kuya at nakita ko ang pagkuyom ng kanyang mga kamay. Tumayo ito. "Ituloy niyo lang ang kumain. Lalabas lang ako." Anito at umalis na. Susundan sana nina Darwin ito pero pinigilan namin sila. Hayaan nalang muna namin si kuya.
Ano bang nangyayari sa kanila? May hindi na talaga kami alam. Kailangan kong kausapin si Yna mamaya.
____
Nagising ako dahil sa tunog ng alarm clock. Tiningnan ko ang oras 10 am na! Bakit 10? 7 ko naman isinet ang alarm ko ah, oh baka nagkamali ako, ang akala ko siguro ay 7.
Agad akong bumangon at nag-ayos ng sarili ko. Pagkalabas ko ay tahimik ang bahay, nasaan ang mga tao? Wala din si daddy at mommy eh rest day naman nila ngayon. Si kuya hindi umuwi, sa condo niya natulog, may malaki ata talaga silang problema ni Yna. Si Yna kakausapin ko na sana kagabi pero kailangan niyang patuligin si Calix.
Nagpunta ako ng garden, doon ay naabutan ko si Yna na kumakain habang pinapadede si Calix.
"Good morning. Good morning baby Calix." Bati ko sa pamangkin ko at hinalikan siya sa pisngi.
"Himala ata at late kang nagising." Ani Yna.
"Yung alarm clock kasi eh, ibang oras." Ani ko. Naupo ako sa harapan ni Yna.
"Kumain ka na." Anito.
"Mamaya lang saglit." Ani ko at nilaro si Calix. Naghahanap ako ng tyempo para kausapin si Yna tungkol kay kuya.
"Ma'am Trina may gusto pong kumausap sainyo sa telepono." Ani ng isang kasambahay namin.
"Sino daw po?"
"Chelsea po ang pangalan."
Si Chelsea? Bakit naman siya tumawag?
"Saglit lang Yna ha." Ani ko kay Yna.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...