Nakangiting pinagmamasdan ko si nanay habang inutusan niya ang mga workers niya na buhatin ang mga boxes. Nakalimutan ko palang sabihin may naipatayo na si nanay na dalawang mini grocery, ginamit niya ang perang ibibigay niya sana sa akin pero iniwan ko kasi iyon para may gamitin siya."Ayusin niyo naman, baka may mga mababasag dyan." Ani niya.
"Nay."
Lumingon si nanay sa akin. Napanganga siya at nanlaki ang mga mata. "Katrina? Katrina!" Sigaw niya at sinugod ako ng yakap. "Kailan ka pa umuwing bata ka? Bakit hindi ka man lang tumawag?"
"Kahapon lang po nay, hindi na po ako tumawag, gusto kong surpresahin kayo."
"At nagwagi ka, na-surpresa nga ako. Ano kumusta ka na huh? Ayos ka lang ba, kumakain ka ba ng maayos doon?" Tanong ni nanay.
"Opo, sinusunod ko po lahat ng bilin niyo."
Hinawakan ni nanay ang mukha ko. "Napakaganda ng anak ko, ng anak namin. Mabuti naman at maayos ka na." Ani nanay at niyakap ako.
Nagtagal ako ng dalawang oras sa mini grocery dahil madami akong ikinwento kay nanay. Nagpaalam ako dahil gusto kong puntahan si Patty, sana lang hindi siya galit sa akin. Nakilala ako ng guard nila kaya naman pinapasok nila ako, naupo muna ako sa sofa ng mga Buenavista habang hinihintay si Patty na tinawag nila.
"Katrina? Ikaw ba yan?"
Napatayo ako ng magsalita si Patty na pababa ng hagdan. Hindi siya makapaniwala.
"Oh my gosh Katrina!" Aniya at tumakbo na papalapit sa akin. "Katrina." Naiiyak na sinabi niya at niyakap ako ng mahigpit. Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko kasi magagalit siya sa akin at hindi kakausapin.
Napaiyak na ako at napaiyak na din siya. Bumitaw siya at mahinang pinalo sa braso. "I hate you! Bakit ngayon ka lang ha? Hindi ka man lang nagparamdam, hindi ka man lang nagpaalam na pupunta ka pala ng America." Nakasimangot na sinabi niya at pinunasan ang mga luha niya.
"Sorry na, wag ka ng magalit." Ani ko.
"Hindi ako galit, nagtatampo ako. Kaibigan mo ako eh, hindi ka man lang nagpaalam. Pero hayaan mo na yun, past na yun, ang importante nandito ka na. Na-miss kita." Aniya at muli niya akong niyakap.
Nagka-chikahan kaming dalawa, dahil sa ilang taon na nawala ako ay madami siyang chika, tinanong din niya kung kumusta ang buhay ko sa America, hindi ko lang ikinwento sakanya ang tunay na dahilan ng pagpunta ko doon. Isa na palang fashion designer ito, nagsisimula na siyang gumawa ng pangalan niya. Kami lang pala ni Gail ang hindi pa tapos sa pag-aaral, dahil nga medicine ay ilang years talaga.
"Si Yna pagkagraduate niya bigla nalang siyang naglaho, hindi namin alam kung saan siya nagpunta, ang huling sinabi lang niya ay buntis siya kay Connor. Ilang beses namin sinubukang kontakin pero wala. Hindi ko alam kung ano bang nangyari sa kanila ni Connor."
"Saan kaya siya pwedeng hanapin?" Ani ko. Bakit ba siya umalis? May naalala ako bigla. "Teka kayo ni Darwin? Ano na?"
Napasimangot ito pero biglang ngumiti. "Kami na." Kinikilig na sinabi niya. "Well mag-aapat na buwan palang kami pero I'm to say na kami na." Masayang sinabi niya. Kinikilig siyang nagkwekwento kung paano naging sila ni Darwin. I'm to her, masaya ako dahil masaya siya.
"Si Rage alam mo ba nung umalis ka ay hindi namin alam kung anong nangyari sa buhay niya, he's wasted. Nasaktan talaga siya." Anito.
Napayuko ako. "Nakita ko siya sa airport, at parang masaya naman na siya, and natupad na ang pangarap niyang maging isang piloto."
"Yeah, alam mo bang muntikan na niyang hindi ituloy ang pag-aaral niya? Pero nagulat nalang kami na isang araw sumeryoso siya sa pag-aaral. Naging cold nga lang. Minsan mo lang makausap ng maayos, yeah maybe he is happy now, he is seeing someone. I saw the girl but we like you mor—."
![](https://img.wattpad.com/cover/312808628-288-k316878.jpg)
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...