Papunta ako ngayon sa gym para sa practice namin ng harangan ako ni Ynigo."May kailangan ka?" Tanong ko.
"I want to talk to you." Sabi niya. Hindi pa ako nakakasagot ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako.
Mahigpit ang pagkakahawak niya at nasasaktan na ako.
"Ynigo ano ba, pwede naman tayong mag-usap dito, saan mo ako dadalhin?"
Dinala niya ako sa parking lot at pilit na pinapasok sa passenger seat ng sasakyan, kotse niya ata ito.
"Ano ba Ynigo? Hindi mo naman ako kailangan na kaladkarin eh." Reklamo ko. Lalabas na sana ako pero nilock niya yun kaya di ko mabuksan.
"Kakausap lang kita, eag kang mag-alala." Sabi niya.
"Ano bang pag-uusapan natin?"
"You need to talk to Rage, sabihin mo sa kanya na hindi totoo ang mga sinabi mo, na wala talagang namamagitan sa amin ni Vivian.", Sabi nito.
"Ano? Bakit ko sasabihin yun sa kanya? Una sa lahat ay hindi ko sinabi sakanya ang mga nakita, at ang narinig ko. Hindi ko pa siya nakakausap tungkol sainyo. Wala akong kasalanan kung nakita niya ang ginagawa niyong dalawa, dahil hindi ko naman alam na nasa likuran ko pala siya sa oras na yun." Ani ko.
"Please Trina, nagmamakaawa ako."
"I'm sorry, kahit sabihin ko pa sakanya sa tingin niyo maniniwala siya sa akin? Hindi, sino ba naman ako para paniwalaan niya. At isa pa, bakit parang mas gusto mong bumalik si Vivian kay Rage? Hindi mo ba mahal si Vivian?" Tanong ko.
Sumandal ito at kita ko ang lungkot sa mga mata niya. "Kailangan na magkabalikan sila, para sa pamilya ni Vivian. Kaya parang-awa mo na Trina, kausapin mo si Rage."
"Bakit ako ang kakausap sa kanya? Kung kayong dalawa kaya ang humarap ni Vivian sa kanya? Kayo ang magpaliwanag, at isa pa kitang-kita niya ang ginawa niyo eh."
Nagbuga ng hangin ito.
"Makiki-pagbalikan siya kay Rage oara sa pamilya niya? Para makuha lahat ng yaman ng mga Aldeguer ganun ba?" Tanong ko.
Hindi sumagot si Ynigo.
"Alam mo kung mahal ka ni Vivian hindi niya itutuloy kung ano man ang kagustuhan ng mga magulang niya, kung mahal ka niya ipaglalaban ka niya. Kung nagmamahalan talaga kayo, ipaglaban niyo ang isa't-isa, kaysa nasasaktan ka kapag nakikita mong sila ni Rage." Sabi ko sa kanya. Hindicko alam kung saan nanggaling ang mga sinabi mo, wala naman akong experience. Ang nai-experience ko lang naman ngayon ay nagmamahal amo ng isang tao na hindi naman ako ang mahal.
Hinawakan ni Ynigo ang kamay ko. "Parang awa mo na, baka sakaling pakinggan ka ni Rage, kaibigan mo naman si Vivian eh kaya ipagtanggol mo siya kay Rage, ikaw ang gumawa ng paraan para magkabalikan sila."
Wow lang huh!
Inalis ko ang kamay ni Ynigo. "I'm sorry, wala akong magagawa. Buksan mo na ang lock dahil aalis na ako, may practice pa ako at naghihintay ang mga kasamahan ko." Mahinahon na sinabi ko.
Yumuko si Ynigo pero muling nag-angat ng tingin. Kinabahan ako dahil parang iba ang itsura niya, matalim na tingin pa ang ibinigay niya sa akin.
"Y-Ynigo, p-please gusto ko ng lumabas." Nauutal na sabi ko.
"Kung hindi ka papayag siguro naman dito sa gagawin ko ay mapapapayag kita." Aniya at lumapit siya sa akin, hinawakan ng mahigoit ang braso ko at hinalikan ang leeg at mukha ko.
"Ynigo ano ba! Lumayo ka sa akin." Sigaw ko at pilit na itinutulak siya pero napakalakas niya.
Natatakot at umiiyak na ako dahil sa ginagawa niya.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...