Kabanata 59

3.7K 39 0
                                        


- His Pov -

"I'm sorry for not answering your calls, galing kasi ako sa bukid." Ani ko kay Chelsea, tinawagan ko kasi siya dahil nakita ko ang ilang miscall niya sa akin.

"Are you with her?"

"With who?"

"With Katrina, she's there? Dinala mo siya dyan? Hindi sinasadyang nabanggit ni tita na nandyan siya."

Nagbuga ako ng hangin. "Yeah she's here."

"Why?"

"Gusto siyang makita ni lola at ng kapatid ko."

"Dinala mo siya dyan, samantalang ako hindi mo pa nadadala dyan. Girlfriend mo ako Rage, gusto ko din naman makilala ang lola at kapatid mo."

Napakamot ako. Paano ko ba sasabihin sa kanya na si Katrina lang ang gusto nila?

"Sa tamang oras."

"Kailan pa ang tamang oras na iyan? Rage naman, ibang babae dinala mo na dyan sarili mong girlfriend hindi?"

"Pag-aawayan na naman ba natin ito Chelsea?"

"Oo! Mag-aaway na naman tayo, at tungkol na naman sa hindi mo pagdala sa akin dyan. Nagtataka na ako kung bakit ayaw mo akong dalhin dyan."

"Let's talk later, I'm tired. Maliligo pa ako."

"Fine!" Nailayo ko ang cellphone ko dahil sa pagsigaw nito, pinatayan na niya ako ng tawag. Itinapon ko ang cellphone ko sa kama at umiiling na pumasok sa banyo.

Hinayaan kong dumaloy ang tubig sa katawan ko.

Hinayaan kong dumaloy ang tubig sa katawan ko, pumikit ako pero agad na nagmulat ng mga mata dahil sa pagbukas ng pintuan, pinatay ko ang tubig at hinila ang tuwalya.

Sh*t what is she doing here?!

Si Katrina ang pumasok, nangangapa siya, hindi siya makamulat dahil sa bula ng shampoo sa mukha niya at tuwalya lang ang suot niya na nakasuot sa kanya. Hindi ba nito naramdaman na may tao? Binuksan nito ang tubig at naghilamos at binanlawan ang buhok niya.

Nakapameywang lang na nakatingin ako sa ginagawa niya, ng mapatay na niya ang tubig ay humarap siya at akmang aalisin ang tuwalya pero nanlaki ang mga mata niya ng makita ako.

Seryosong nakatingin lang ako sa kanya.

"W-why are you here? W-what a-are you doing here?" Tanong niya.

I smiled. "Ako dapat ang magtanong niyan sayo, what are you doing here? This is my room and this my bathroom." Ani ko.

Mas lalong nanlaki ang mga mata niya at sumilip sa labas. "Hala sorry, sorry! Kasi walang lumalabas na tubig sa cr ng kwarto, tapos hindi ko naman alam na dito ako mapupunta. Sorry." Sabi niya, napayuko siya dahil parang nahihiya siya.

"Then what are you waiting for? Get out. Tapos ka naman na hindi ba?" Ani ko.

Umiling siya. "Hindi ko pa nababanlawan katawan ko eh, kaya ako na muna please." Anito.

So ako pa mag-aadjust? Wow ah!

"Fine, bilisan mo." Ani ko at lumabas na. Hindi ko naman sinasadya na mabangga siya kaya naman nadulas siya, agad ko naman siyang hinila. Nahila ko nga siya pero sakto may nangyari na hindi inaasahan, naalis lang naman ang tuwalyang suot niya!

'Sh*t' mura ng isipan ko. Agad among tumalikod. Napatakip ako ng tainga ko dahil sa pagtili niya. "Katrina ano ba! Can you stop it?" Naiinis na sinabi ko at hinarap siya, mabuti nalang at naibalik na niya ang tuwalya.

"Bastos!" Sigaw niya.

Wow ah!

Itinuro ko ang sarili ko.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon