"Hangover! Mamayang gabi na ang party, hindi pwedeng buong araw ka nalang nakahiga, Connor naman!" Sermon ni mommy kay Kuya pagkagising na pagkagising nito ng ala una ng hapon. Dito sa apartment namin dinala si Kuya dahil kapag sa bahay ay baka hindi siya titigilan ni mommy.Kagabi ay hindi na kami nakapag-usap ni Rage, gusto man niya akong kausapin pero kailangan niyang balikan ang ibang kasama niya. Mabuti nalang iyon at hindi kami nakapag-usap dahil siguradong hindi na naman ako makapagsalita kapag kaharap ko siya.
"Relax mom, mamayang gabi pa naman ang party eh." Ani Kuya.
"Yes mamayang gabi nga pero hindi pa nakaready ang isusuot mo, ano ka ba naman, hindi ka ba excited?"
"No." Mabilis na sagot ni Kuya.
"Connor-."
"Kayo lang naman ang excited di ba? Kayo lang naman ang may gustong ipakasal ako eh, pero wag kayong mag-alala, dadating ako." Ani Kuya at tumayo na, lumabas ng apartment.
Ilang beses itong tinawag ni mommy pero hindi siya nito pinansin. Umalis na lang ito.
"Mommy relax lang, at sigurado na darating naman si Kuya mamaya eh." Ani ko.
"Dapat lang, malaking kahihiyan sa mga Buenavista kung hindi siya darating." Ani mommy at nginitian ako. Iniabot nito ang isang paper bag. "Iyan ang isusuot mo mamaya. Our driver will fetch you later okay. At sigurado ka bang hindi ka magpapayos? Sasamahan kita." Ani mommy at hinaplos ang buhok ko.
"Hindi na po, ako na po ang mag-aayos sa sarili ko." Sabi ko.
____
Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Napakaganda ng gown na bigay ni mommy, at napakaganda ng mga alahas na gawa niya. Bagong design niya ang mga alahas na suot ko ngayon at sabi niya hindi niya inilabas ito dahil para sa akin lang daw ang bagong gawa niya. Pero nagdalawang-isip ako kung isusuot ko ba iyon o hindi dahil baka ano ang sabihin ng mga tao na isang katulad kong mahirap ay nakakapagsuot ng mga mamahaling alahas at damit. Hindi rin kasi ako sanay magsuot ng mga mamahalin, pero baka magtampo si mommy kaya no choice.
Tumingin ako sa orasan, dalawang oras pa bago ang party. Hihintayin ko si Yna dahil aayusan daw niya ako. Ayoko sanang magmake up pero pinikit kasi niya ako eh.
Naisipan kong kumustahin si Patty, kung nakaready na ba siya, kung okay lang siya, at kung anong nararamdaman niya at kung itutuloy talaga niya ang kung ano mang plano niya. Nagtatype ako ng sasabihin ko kay Patty ng biglang may nagbukas ng malakas sa pintuan at bumalibag iyon.
"Nay?"
"Oh ganda ng ayos ah! May party ba? Aba kung meron wala naman akong balak sirain, nagpunta lang naman kasi ako dito dahil nakalimutan mo na ata ang usapan natin. Ilang araw akong naghintay ay wala ka man lang ibinibigay." Anito.
"Nay pwedeng bumalik nalamg po kayo bukas?" Mahinahon na sinabi ko.
"Aba hindi pwede! Kailangan ko na ngayon ang pera, akin na!" Aniya at inilahad niya kamay niya sa akin.
Ayokong manggulo siya dito kaya naman kinuha ko ang pera na nasa wallet ko. Limang libo iyon. "Ito po nay."
"Ito lang? Limang libo?!"
"Eh nay yan lang po ang nasa wallet ko eh."
"Ang yaman yaman mo ito lang ang pera mo!"
"Nay hindi po kasi ako nakawithdraw, at yang perang iyan ay yan po yung binigay niyo noon na hindi ko po ginalaw."
"Edi ma-." Natigilan si nanay dahil sa ingay ng sasakyan na huminto sa harap ng apartment. "Babalikan kita bukas, dapat malaki ang ibigay mo sa akin." Sabi niya at lumabas na. Binangga pa niya si Yna na nakasalubong niya.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...