"Seatbelt." Sabi ni Rage sa akin agad ko namang hinila ang seatbelt pero nahihirapan ako.Bakit kanina ay nahila ko agad pero bakit ngayon hindi.
Ilang beses kong hinila pero ayaw pa rin.
"Let me."
Napatuwid ako at napasandal ng marinig ko ang boses niya malapit sa tainga ko.
Hindi ako nakahinga dahil sa sobrang lapit niya, hindi rin ako gumagalaw dahil baka isang galaw ko lang mahahalikan ko ang pisngi niya.
"You can breathe now." Sabi ni Rage na bumalik sa upuan niya.
Nakahinga na ako.
"T-thank you." Nahihiya akong ngumiti sa kanya.
"Just enjoy the moment." Napalingon ako kay Connor sa sinabi nito. "Secret love." Sambit pa nito.
Nagsalubong ang kilay ko. Oh my gosh, ilalaglag ba ako nito?
"Can you play that song Rage?" He said while smiling.
"What song?"
"Secret love by little mix ba iyon? Play that song." Anito at kinindatan ako at nahiga na siya.
Kinabahan ako kay Connor!
Ipinakanta naman ni Rage ang kantang secret love at ako naman ay sa labas ko na itinuon ang atensyon ko.
___
"I will pay your food." Sabi ni Patty sa akin.
"Hindi okay lang Patty ako na."
"Ngayon lang Trina."
"Anong ngayon lang? Halos everyday na ikaw nagbabayad sa pagkain ko." Sabi ko.
"Trina please." Nag beautiful eyes pa siya sa akin.
"Pero kasi—."
"Ako na ang magbabayad sa pagkain niya." Sinabi nito sa cashier ng canteen.
"Ahmm yung pagkain po ni Miss Katrina Ramirez ay bayad na po sa buong taon."
Ano raw?!
Pareho kaming nagulat ni Patty.
"P-po? P-paanong nabayaran?" Tanong ko.
"May nagbayad na po."
"Sino?"
"Hindi po pwedeng sabihin kung sino."
"Hindi ba ang parents mo?"
"No kasi mommy told me earlier na next week pa siya magbabayad for our food, malabong sila iyon."
Hala!
"Oh my gosh who is that mysterious guy or girl, thank to her or him."
Hindi ako makapagsalita. Di ako makapaniwala.
"Siguro may kapit dito, o baka naman may pinatulan na DOM at iyon ang gumastos para sa kanya." Malakas na sinabi ni Sara na nasa likuran ko kasama ang mga alipores niya.
Nagtatawanan pa sila, halata namang ako ang pinariringgan.
Hinarap ito ni Patty. "What did you say? Ulitin mo nga!"
Hinawakan ko si Patty.
"What? Hindi ikaw ang pinag-uusapan namin."
"Oh yes hindi nga ako, pero ang pinaparinggan mo lang naman ay ang kaibigan ko."
"Oh bakit tinamaan ba siya? Oh I'm sorry kung tinamaan siya, baka kasi totoo kaya siya tinamaan." Nakangiting sinabi ni Sara.
Sasabunutan na sana ito ni Patty pero mabuti nalang humarang na ako at inilayo ko siya.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Novela JuvenilSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...