"Alam mo ang tungkol sa kanila?" Ulit na tanong sa akin ni Rage."Ra—."
"Baby let me explain, walang namamagitan sa amin ni Ynigo, kung ano ang sinabi ni Trina sayo tungkol sa amin ay hindi iyon totoo." Putol ni Vivian sa sasabihin ko.
Anong sabi niya?!
"A-ano? A-ako may sinabi kay Rage?" Hindi makapaniwalang tanong ko habang itinuturo ang sarili ko.
Hindi ako pinansin ni Vivian. "Baby maniwala ka sa akin. Walang namamagitan sa amin, pinilit ako ni Ynigo, he tried to raped me!"
"What the f*ck Vivian." Sigaw ni Ynigo. Inalis ni Rage ang kamay ni Vivian na nakahawak sa kanya at mahinang itinulak niya ito.
"I don't need your explanation, nakita ko ang nangyayari, gustong gusto mo eh, paanong rape yun? It's over." Madiin na sinabi ni Rage.
Nagulat kami sa sinabi niya.
"It's over between you and me!" Aniya kay Vivian at tumalikod na ito.
"Rage!" Sabay naming bulalas ni Vivian. Hahabulin sana ni Vivian si Rage pero pinigilan siya ni Ynigo.
"Ano ba Ynigo!"
"Mag-uusap tayo." Sabi ni Ynigo.
Hinayaan ko nalang sila at iniwan, tumakbo ako para habulin si Rage.
"Rage pwedeng mag-usap tayo?" Humihingal na tanong ko ng maabutan ko siya.
Hindi siya nagsalita at hindi ako nilingon, dire-diretso lang siya sa paglalakad.
"Rage sige na, mag-usap na tayo." Sabi ko kaya naman huminto siya at hinarap ako.
"Anong pag-uusapan natin?" Alam kong pinipigilan niya ang pagtaas ng boses niya.
"Tungkol kina Ynigo at Vivian ka—."
"Alam mo ang tungkol sa kanila? Alam mo na may nangyayari na sakanila?" Tanong niya.
Napayuko ako at napatango.
"Alam mo pero hindi mo man lang sinabi sa akin?!"
Nagulat ako at napalunok dahil sumigaw na siya. Galit siya.
Napatingin na ang mga ibang estudyante sa amin.
"S-sorry." Tanging nasabi ko.
"Nagmukha akong tanga! Buong akala ko ay ako ang nakakagawa ng mali, pero ang hindi ko alam na kapag nakatalikod ako ay pinagtataksilan na pala ako! At masama pa alam mo naman pala pero wala ka man lang sinabi, kahit warning lang sana eh."
Nakita ko ang pagkuyom ng kamay niya. Namumula na rin siya sa galit.
"S-sorry kung hindi ko nasabi, gusto kong sabihin sayo pero hindi ako makuha ng pagkakataon at naduduwag ako, kasi baka hindi mo ako paniwalaan, baka ang sabihin mo gumagawa ako ng kwento, at isa pa sino ba naman ako para paniwalaan mo, syempre idedeny ni Vivian yun hanggang siya ang paniwalaan mo. Pero mas mabuti na ngang ikaw na mismo ang nakakita, pasensya ka na." Bumilis ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako.
Umiling si Rage at humakbang na. Napakagat ako ng labi at sinundan pa rin siya, hindi siya tumigil sa paglalakad at hindi ako tumigil sa pagsunod sa kanya. Ilang beses akong nagsosorry pero hindi niya ako pinapakinggan.
Pumasok siya sa isang room kaya sumunod ako sa kanya pero natigilan ako, hindi iyon room, kundi cr ng mga lalaki.
Napatikhim ako, mabuti nalang walang tao. Napakamot ako ng ulo ko paatras na naglakad ako palabas pero hindi la ako nakakalabas ay isinara bigla ni Rage ang pintuan at nilock yun.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...