Kabanata 60

3.3K 32 0
                                    


Panibagong araw, panibagong plano.

"Hi! What a coincidence again. Nakita ko na naman kayo." Nakangiting sinabi ko kina Rage at Chelsea na busy na kumakain dito sa restaurant. Well nakakuha na naman kasi ako ng information na kakain sila sa labas, may nakapagsabi din na bukas ay back to work na si Rage.

Hindi naituloy ni Rage ang pagsubo ng makita niya ako. Si Chelsea naman ay nag-aalangan na ngumit.

"May date ka kaya ka nandito?" Tanong ni Chelsea sa akin.

"Yes may date ako ngayon." Nakangiting sinabi ko , madaming bakante pero mas pinili kong maupo sa table na katabi nila. Nilingon ko silang dalawa at si Chelsea ay nakatingin pa rin sa akin si Rage naman ay parang nawalan ng gana, kita ko sa mukha niya ang inis.

'Sige mainis ka, tingnan natin kung sinong talo sa ating dalawa.' bulong ng isipan ko.

"Katrina."

"Grego finally."

"Kanina ka pa ba? I'm sorry may tinapos pa kasi ako eh." Anito.

Tumayo ako. "No it's okay, basta nakarating ka." Ani ko at hinalikan siya sa pisngi. Mukang nagulat ito sa ginawa ko, gamit ang mga mata ko ay isenenyas ko na tumingin siya sa tabi namin at napatingin naman siya doon.

"Oh hello Rage." Bati niya kay Rage, tumango lang naman si Rage. Si Chelsea nalang ang bumati kay Grego.

Naupo na si Grego. "You did not inform me, ang akala ko ay may pag-uusapan lang tayong importante, sinabi mo sana para ready naka ready ako." Bulong nito sa akin.

"Sumabay ka nalang." Bulong ko naman.

Tumikhim ito "Alright sweetheart, what do you want to eat." Malakas na sinabi ni Grego. "Oh I know it, your favorite." Anito at kinindatan ako. Tsaka niya tinawag ang waiter at umorder na.

Tahimik lang naman na kumakain ang dalawa. Hindi sila nag-uusap. Habang hinihintay ang order ay tumayo na muna si Grego, lumapit siya sa mga staff at may sinabi doon.

"Anong sinabi mo sa kanila?" Tanong ko.

"Malalaman mo mamaya." Anito.

"Thank you." Sabay na sinabi namin ni Grego sa staff na nagdala ng pagkain.

"Baby gusto pala tayong makausap ni mommy bago ka umalis. Alam ko na ang sasabihin nun, kukulitin na naman tayo about wedding, ang gusto niya ay magpakasal na tayo."

Sa sinabing iyon ni Chelsea ay nabilaukan ako, agad naman namang iniabot ni Grego ang tubig. Habang umiinom ang mga mata ko ay dumako kay Rage na nakatingin pala sa akin at nakakunot ang noo.

"Okay pupunta ako sa inyo mamaya." Sagot ni Rage.

Nakakainis baka isipin ni Rage na  ng dahil sa sinabi ni Chelsea kaya ako nabilaukan.

Habang nasa kalagitnaan ng pagkain ay lumapit ang mga staff na may hawak na gitara at bulaklak, kinakantahan nila ako. Nagulat ako, hindi ko ito inaasahan. Tumingin ako kay Grego, nginitian lang naman niya ako, pakana niya ito?

"Oh my gosh, ang sweet ng boyfriend mo Katrina." Sinabi ni Chelsea.

"Oo nga eh, hilig niya talaga akong gulatin." Ani ko.

Tumayo si Rage. "Let's go Chelsea, may lalakarin pa tayo, pupunta pa tayo sa mommy mo at pag-uusapan ang kasal." Ani Rage at tumalikod na.

"What?" Gulat na sambit ni Chelsea at nagpaalam muna sa amin bago ito sinundan.

Ang ngiti sa mga labi ko ay naglaho sa sinabi ni Rage. Kasal? Pakakasalan na niya si Chelsea? Nagpasalamat kami sa mga staff ng matapos silang kumanta.

"Grabe akala ko magseselos na sa ginawa ko pero parang nabaliktad ang sitwasyon, ikaw ang pa ang nasaktan." Ani Grego.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon