Kabanata 68

3.3K 26 0
                                    


"Yna ibaba ko na ha, pumunta ka nalang dito." Ani ko kay Yna at ibinaba ko na ang phone ko. Muli kong tiningnan ang kamay ni Rage. Hindi ako pwedeng magkamali, gumalaw nakita ko.

Tumayo ako at hinawakan ang mukha ni Rage. "Rage? Rage?" Pag gising ko sa kanya. Gumalaw kamay niya eh kaya sigurado akong gising na siya.

"Katrina."

Napalingon ako sa nagsalita, si Tita Raquel.

"Ito na yung pagkain mo, pinadala ni Grego, may kailangan daw kasi siyang lakarin, sakto namang nakasalubong ko siya kaya binigay na niya sa akin. Kumain ka na iha."

"Tita g-gumalaw ang kamay ni Rage, kitang-kita ko tita." Ani ko.

Inilapag naman ni tita sa mesa ang mga hawak niya. "Rage anak?" Bulong niya kay Rage.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa paggalaw ng mga mata ni Rage, tumulo ang mga luha ko dahil dahan-dahan na bumukas ang mga mata niya.

Nagkatinginan kami ni tita at pareho kaming napangiti at napaiyak na. "Rage anak! Gising ka na." Masayang sinabi ni tita.

"Rage." Pagtawag ko naman sa kanya pero hindi niya kami nililingon. Sa kisame lang siya nakatingin. "Tatawagin ko lang po ang doctor tita." Ani ko at nagmamadaling lumabas para tawagin ang doctor.

"Thanks God that he is already awake, pero mamaya niyo pa siya pwedeng kausapin." Ani ng doctor sa amin. Tiningnan ko si Rage na mahimbing na natutulog na ngayon. Madami pang sinabi ang doctor pero hindi ko na pinakinggan dahil na kay Rage lang ang atensyon ko. Napakasaya ko dahil gising na siya.

Hindi ko na mahintay pa na gumising siya dahil kailangan ko ng pumasok sa klase kaya naman nagpaalam na muna ako kay Tita at humingi ng pabor na tawagan ako kapag gising na si Rage.

____

Nandito palang ako sa labas ng kwarto ni Rage pero kinakabahan na ako, hindi ko alam kung bakit. Pero mula dito sa labas ay naririnig ko ang ingay mula sa loob, boses nina Kuya iyon, huminga ako ng malalim at binuksan ang pintuan. Nagkakasiyahan sila. Natahimik lang sila ng mapansin nila ako. Nginitian ko sila at dahan-dahan na tumingin kay Rage na tahimik lang na nakatingin sa akin.

"Labas nalang muna kami. Maiwan ka na muna namin dito." Ani Darwin sa akin.

"Bakit tayo lalabas?" Tanong ni Kuya Connor.

Tumawa si Darwin at inakbayan si Kuya. "They need privacy."

"So what, I need to be here, kapatid k—."

Tumikhim si Tyron. "Connor you know they nee—."

"I'm just kidding. Lumabas na tayo baka makaistorbo pa tayo eh, ayokong nakakaistorbo sa mga taong kailangan ng privacy." Ani kuya at hinila na sina Darwin. Tinapik pa nila ako. Pipigilan ko na sana sila pero nahuli na ako, mabilis silang nakalabas eh. Napakamot ako sa ulo ko. Bakit nakaramdam ako ng hiya ngayon? Ang dami kong gustong sabihin kay Rage pagkagising niya pero bakit parang umaatras ang dila ko.

Tumikhim si Rage kaya naman napalingon ako sa kanya, mukang gusto niyang umupo ng maayos kaya naman hindi na ako nagdalawang-isip na hawakan siya para alalayan.

Nagulat ako sa biglang paghigpit ng paghawak niya sa kamay ko at natigilan siya.

"R-Rage may problema ba?"

Tumingin siya sa akin at ngumiti nalang bigla. "Nothing, gusto ko lang uminom." Aniya kaya naman agad akong kumuha ng tubig at iniabot sa kanya.

"Thank you."

"K-kumusta ang pakiramdam mo? Ayos ka na ba? Pinakain ka na ba nina kuya? Baka may gusto kang kainin? Sabihin mo lang." Ani ko.

"I'm fine. Busog na ako. Pinakain na ako ng mga mokong. Do you have a mirror?" Tanong niya. Tumango naman ako at kinuha ang salamin sa bag ko.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon