Kabanata 43

3.7K 35 0
                                    


"Babalik po ako, pero may kondisyon po ako."

Nagkatinginan ang mag-asawa. "Sure iha, sabihin mo lang kung ano ang gusto mo ibibigay namin." Ani Mr. Parker.

"Gusto ko po na sana huwag na muna pong malaman ng lahat na anak niyo po ako. Gusto ko po sanang maging sekreto muna ang tunay kong pagkatao."

"P-pero anak, b-bakit?"

"Kagaya po ng sinabi niyo, nasa tabi lang po ang taong gustong magpapatay sa pamilya natin. Bago po sana niyo ako ipakilalang anak niyo ay gusto ko pong mahuli po muna ang salarin sa likod ng kaguluhan na nangyari noon, gusto ko po munang malaman natin kung sino po ang may galit sa pamilya natin." Wika ko.

Ngumiti si Mr. Parker, si Mrs Parker naman ay parang hindi sang-ayon sa sinabi ko.

"Sige iha, kung iyan ang kagustuhan mo." Ani Mr. Parker.

"Pero Carlos hindi ba mas magandang ipakilala natin siya upang mas lalong mapalapit sa atin kung sino man ang taong may galit sa atin?"

"Madaming paraan para mapalapit siya ng husto, madaming paraan para malaman kung sino, mas maganda ng hindi muna alam ng mga tao kung sino si Katrina dahil mas lalong manganganib siya at baka tuluyan siyang mawala sa atin. Ayokong mangyari iyon Karla." Ani Mr. Parker. "Hindi ka din dito titira iha, dahil baka may makapansin. Wag kang mag-alala, ibibili kita ng condo mo."

"Hindi na po, wag pong condi, masyadong mahal po, kahit simpleng tirahan nalang po para hindi po magduda ang ibang tao." Ani ko.

"Kung iyon ang gusto mo anak." Ani Mrs. Parker at nilapitan ako. Hinaplos niya ang mukha. "Pero may kondisyon din sana ako. Pwede mo ba kaming tawagin na mommy at daddy?"

May namumuong luha sa mga mata ko. Pumikit ako at tumulo ang mga luha ko. Tumango ako. "Syempre naman po, mommy." Ani ko. Napaluha na si Mrs. Parker I mean ang mommy ko at niyakap ako ng mahigpit. "Patawarin mo si mommy anak ha, babawi ako, babawi kami."

Tiningnan ko si Mr. Parker. "Daddy. Daddy." Umiiyak at paulit ulit kong tinawag na daddy ito dahil ngayon lang ako may matatawag na daddy, dahil lumaki akong walang ama sa tabi ko. Napaluha na rin si Mr. Parker at niyakap kaming dalawa.

"Thank you iha. Thank you dahil pinatawad mo kami." Ani ni daddy. Hindi ako sanay pero alam kong masasanay ako, at gaan-gaan lang ng loob ko.

"Hindi po ako nagalit sainyo, hindi po ako nagkimkim ng galit sainyo. Napakasaya ko po dahil kayo po ang tunay kong mga magulang, nagpapasalamat po ako sa Diyos na may mabubuti akong mga magulang. Thank you po."

Humiwalay na sila sa akin. Pinunasan ko ang luha ni mommy at ni daddy, natawa naman sila sa ginawa ko at pinunasan naman nila ang luha ko.

"Alam mo bang sa engaged party ng kuya mo ay gusto naming ipakilala ka na doon, pero hindi na, dahil sekreto nga muna. Tutal nandito na ang anak namin, ang bunsong anak namin. Anong gusto mong kainin? Sabihin mo ang lahat ng gusto mong kainin ipagluluto kita, ako ang magluluto para sayo." Ani mommy.

"Kahit ano po, okay lang po sa akin." Masayang sinabi ko. Hinila ako ni mommy at pinapak ng halik sa pisngi ko. Si dad naman ay hinalikan ako sa noo ko.

"Puntahan mo na sina Connor sa taas. Kausapin mo ang kapatid mo." Ani daddy, pumayag naman ako.

Nandito ako ngayon sa harap ng pintuan ng gym, kung saan nandoon sina Connor at Rage. Hindi ko alam kung kakatok ako o papasok nalang. Mahinang kumatok nalang ako pero walang nagbubukas, malakas na tugtog ang naririnig ko sa loob kaya baka hindi nila marinig. Dahan-dahan ko namang binuksan iyon.

Hindi lang pala si Rage ang kasama ni Connor, nandito din sina Darwin at Tyron. Busy sila sa pag-eexercise. Tumikhim ako pero hindi nila narinig kaya naman nilapitan ko ang speaker at hininaan ang volume, at yun nga nakuha ko ang atensyon nila.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon