"Ha?""Sabi mo ay may aaminin ka, ano yun?" Tanong niya.
So nabasa niya ang message ko?
"Bago ako pumasok ng court ay nabasa ko ang message mo. So dumating ako, kaya sabihin mo na sa akin kung anong aaminin mo." Anito.
Naku po!
"Congratulations for winning." Singit ni Garth sa amin. "Akala ko hindi ka na maglalaro. But I want to congratulate you. You won again." Ani nito at inilahad ang kamay niya para makipagkamay. Tinanggap naman iyon ni Rage.
"Thank you, magagaling din naman kayo eh, binigay niyo ang best niyo." Ani Rage.
Ngumiti si Garth at tumingin sa akin. "You have your lucky girl. Stay strong." Sabi nito sa amin bago niya kami iniwan.
"Matatagalan pa ba kayo? Ang pinaka ayokong trabaho ay ang naghihintay." Ani ni Kuya sa amin.
Tumingin ako kay Rage at nginitian siya "Mamaya ko na lang sasabihin. Naghihintay na sila." Ani ko. Lihim akong natawa dahil napasimangot nalang siya at inunahan pa niya akong maglakad.
"Why are we celebrating? The game is not done, wala pa kami sa finals. Maaga atang celebration ito." Ani ni Rage, paano ba naman kasi ay hinire nina Darwin ang buong resto bar kung nasaan kami ngayon.
"It's advance celebration." Ani Darwin.
"Sigurado ba kayong papasok kami sa finals? Sigurado ba kayong mananalo kami sa susunod na game?"
"Come on Rage! Think positive. Wala ka bang tiwala sa sarili mo? Sa team mo."
"Oo nga naman captain. Maipapanalo natin, tiwala lang." Ani naman ni Caleb. "Lalo na at laging nanunuod ang lucky girl natin. Di ba baby?" Ani Caleb sa akin at inakbayan ko. Inalis lang niya ang kamay niya ng paluin ito ni Kuya.
"Problema mo Connor? Naiinggit ka ba? Wag kang mainggit dahil bukas ay engagement niyo na ni Patty. Dapat ako ang mainggit eh." Ani Caleb.
"Bukas na pala? Kay bilis naman ng araw. But I'm excited. Excited sa mangyayari, hindi sa engagement." Ani Patty at nagsalin ng wine sa baso niya ininom iyon.
"Bakit may pasabog bang mangyayari bukas?" Tanong ni Darwin.
"Secret. Pero I'm sure magugulat ka." Sabi ni Patty kay Darwin.
Hala! Si Darwin kaya ang ipapakilala niyang boyfriend niya bukas?! Naku po hindi ata alam ni Darwin.
Alas singko palang ng hapon ay lasing na ang mga kasama ko, pwera kaming mga babae at sina Rage at Tyron, kunti lang kasi iniinom nila. Si Kuya lasing na rin pero hindi siya yung tipong tao na makulit o ano, normal lang kumbaga, si Darwin naman lasing din at sobrang ingay nila nina Caleb, nagkakantahan at nagsasayawan sila.
Lumayo muna ako sa kanila para kumuha ng tubig sa counter. Lumapit si Tyron sa akin.
"Can I talk to you for minute?" Tanong niya.
"Sige ba."
"But not here, sa labas sana. Maingay dito eh." Anito. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Lumabas na muna kami. Sa kotse niya kami nagpunta, pero hindi kami pumasok doon sa.labas lang kami nakatayo.
"May sasabihin ka ba?" Tanong ko. Ilang segundo siyang hindi nagsalita at ilang segundo din siyang nakatingin lang sa akin.
"Katrina."
Lumingon ako sa tumawag sa akin.
"Remember may sasabihin ka pa sa akin. This is the time to tell me. Ano ba yun?" Tanong nito at lumapit sa amin.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...