Pinagmasdan ko si mommy na mahimbing na natutulog, mabuti nalang at nakatulog siya dahil kanina ay wala siyang ginawa kundi ang umiyak ng malaman nila ang kalagayan ko, sa una ay hindi sila naniwala, hindi daw magandang biro iyon pero nung ipakita ko sa kanila ang mga results ay doon na sila bumigay. Dito muna ako sa bahay tumira dahil gusto ko silang makasama bago ako maooperahan. Tinabihan ako ni mommy na matulog dahil ayaw daw niya akong iwan.Bumangon ako, naisipan kong lumabas dahil nauuhaw ako. Nakita kong bukas ang study room at bukas ang ilaw, sumilip ako, si daddy nakasandal siya at nakapikit habang hinihilot ang ulo niya. Anong oras na, pero bakit hindi pa siya tulog?
Pumasok ako, hindi niya naramdaman ang presensya ko, hinawakan ko ang ulo niya at ako na ang nag massage doon, nagulat pa si daddy, napalingon siya bigla.
"Anak? Bakit gising ka pa? May masakit ba sayo? Ano sabihin mo lang." Mag-aalalang sinabi ni daddy.
"Wala pong masakit, kayo po dapat tanungin ko bakit gising pa po kayo? Dapat po nagpapahinga na kayo dahil may trabaho pa kayo bukas.
"Kailangan ko lang kasing tapusin itong mga papeles." Sabi niya.
"Eh mukang masakit na po ulo niyo eh, alam niyo po umupo po kayo ng maayos, imamassage ko po ulo niyo." Ngumiti si daddy at umayos ng pagkakaupo, pumikit siya.
Pinagmasdan ko ang mukha ni daddy, hindi ko napigilan ang mapaiyak, ang pinigilan ko lang ay ang mapahikbi dahil baka mapansin niya. Sana naman, sana naman ay hindi ko sila makalimutan.
____
Ilang araw na sa bahay ako tumira, gusto makipagbonding muna kina mommy, habang hinihintay ang araw na babiyahe kami sa ibang bansa para sa surgery ko, yes sa ibang bansa ako magpapasurgery, iyon ang decisyon nina daddy.
Hindi ko inaalis ang tingin ko kay Rage habang nagpaparactice sila para sa finals bukas. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya, ang mukha niya. Sana naman ay hindi ko din siya makalimutan, ayokong mangyari iyon na makalimutan ko siya. Silang lahat.
Napayuko ako. Naiiyak na naman ako. Hindi pa alam ni Rage ang tungkol sa kalagayan ko, silang mga kaibigan ko ay hindi pa nila alam, Sina mommy at daddy, si Kuya, si Gabriel at Tyron lang ang nakakaalam. Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Rage, at hindi ko din alam kung sasabihin ko ba sakanya o hindi na.
Nagulat ako dahil sa may biglang tumabi sa akin, alam kong si Rage iyon dahil sa pabango niya. Lihim kong pinunasan ang mga luha ko at nakangiting tiningnan siya.
"Ready ka na bukas?" Tanong ko.
"I'm always ready, lalo na kapag nandyan ka, sorry nalang si Gabriel kung tatalunin ko siya, lalo na't may lucky girl ako." Ani niya. Inakbayan niya ako. "Dahil tuwing nakikita kita ay nagiging malakas ako." Sabi niya at ngumiti.
"Eh paano kung wala na ako?" Tanong ko, sinadya ko talagang tanungin yun.
Kumunot ang noo niya. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.
"Kunwari lang naman eh, paano kung wala ako?"
"Ang Rage na tinitingala ng lahat ay unti-unting babagsak, well we're still not in a relationship pero kapag nawala ka hindi ko na alam ang gagawin ko." Sabi niya.
Nawala ang mga ngiti sa labi ko, napaiwas ako ng tingin sa kanya at pinipigilan ang muling mapaiyak. Niyakap ako ni Rage ng mahigpit. "Hindi ka naman mawawala sa akin hindi ba?" Tanong niya, hindi agad ako nakapagsalita.
Huminga ako ng malalim. "O-oo naman." Sagot ko. Bumitaw lang si Rage ng tawagin siya ng mga kasamahan niya. Nagpaalam muna ako sakanya na lalabas lang at pumayag naman siya.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...