Kabanata 9

3.3K 40 2
                                    


Umupo ako sa ilalim ng puno, binasa ko ang form na bigay ni Vivian. Form iyon para sa audition ng dance squad.

Nagdadalawang isip ako kung sasali ba ako.

Huminga ako ng malalim at isinandal ang ulo ko sa puno at pumikit.

Nagmulat lang ako ng may kumuha sa hawak kong form.

"Rage." Banggit ko sa pangalan niya, nakaupo na pala siya sa tabi ko, neto na naman ang puso ko, mabilis na naman ang pagtibok.

"Are you joining here?" Tanong niya sa akin.

"H-huh?"

"Vivian told me na kinausap ka niya para sumali. Are you joining?"

"H-hindi ko nga alam eh."

"Grab the opportunity." Aniya at ngumiti. Shocks ang gwapo talaga niya. "Para makakuha ka na din ng scholarship."

"H-hindi ko kasi alam kung makakapasa ako sa audition na iyan. Di naman kasi ako magaling sumayaw."

"Hindi naman sa galing nakikita iyan, as long as you know how to dance ay ayos lang, basta masundan mo lang ang bawat galaw at lalo pang nadadagdagan ang kaalaman mo sa pagsasayaw." Sabi niya.

Well tama naman siya.

"So are you joining or not?" He asked.

Ngumiti ako. "Sige try kong sumali." Sabi ko.

"Baby!"

Napatingin kami sa sumigaw. Si Vivian na nakatayo sa di kalayuan, kumakaway siya.

Tumayo si Rage.

"You can do it." He smiled at patakbong lumapit kay Vivian.

Ngumiti ako pero may kunting lungkot akong naramdaman at selos na rin, pero I need to be happy sa kanilang dalawa. Swerte din kasi ni Rage, mabait si Vivian, at bagay sila dahil mayaman si Vivian at may maipagmamalaki, kumpara sa akin.

Pinirmahan ko ang form at pumunta sa dance club para ipasa ang form.

"Oww sasali pala ang poor at maid, imposibleng makakapasa siya." Sinabi ni Sara.

Sasali din siya?

"I think she can't dance, mukang parehong kaliwa ang mga paa eh." Sabi ng isang kasama nito at tumawa pa sila ng malakas.

"Of course she wants to join for the scholarship, wala kasing pambayad, tayo sumali tayo para sa talento natin hindi para sa scholarship dahil may pera naman tayo." Taas kilay at nakangiting sinabi ni Sara.

Hindi na ako nagsalita, nilampasan ko nalang sila pero hinawakan ng isa sa mga kasama ni Sara ang kamay ko.

"Where do you think you're going?" The woman asked.

"Aalis na, kasi wala naman akong balak patulan kayo eh." Sabi ko.

Lumapit si Sara sa akin, tiningnan ako mula ulo hanggang paa habang umiikot siya, ng nasa likod na siya ay hinila niya ang buhok ko.

Napadaing ako.

"Magsusumbong ka na naman ba?" sabi niya habang mahigpit ang pagkakahawak nito sa buhok ko.

"Sara ano ba, masakit." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya.

"Alam mo hindi pa ako nakakapaghiganti sa pagsumbong mo sa akin eh." Sabi nito at sinipa pa ako sa paa, muntikan na akong mapaluhod.

Walang ibang tao sa paligid kaya walang nakakita sa ginagawa nito sa akin.

"P-pasensya ka na, pero sobra na kasi ginagawa mo kaya nagsumbong na ako." Naiiyak na sinabi ko dahil ang sakit na ng ulo ko.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon