"You know about this Katrina?" Tanong ni tita Raquel sa akin."Opo."
"Then what is your reaction ng malaman mo ang tungkol sa ipinagbubuntis ni Chelsea?"
"Of course nagulat po ako. Pero relax lang naman po ako dahil malakas po ang kutob na hindi po si Rage ang ama."
"Paano ka nakakasiguro na hindi si Rage ang ama?"
"Ka—."
"Nevermind. I want to apologize iha, gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ng anak ko, hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya kaya nagawa niyang manloko, I'm very disappointed to him." Anito at tiningnan ako ng diretso. Kinakabahan ako, sa tingin palang ni tita sa akin ay parang alam ko na ang gusto niyang sabihin.
"I like you for my son Katrina, but the baby needs him, so I'm sorry sa request kong ito. Hiwalayan mo muna ang anak ko."
Shoot! Sinasabi ko na nga ba eh!
"Tita naniniwala po talaga kayo na si Rage ang ama ng dinadala ni Chelsea?"
"No."
"Pero bakit niyo po gustong hiwalayan ko siya? I'm sorry tita pero nangako ako kay Rage na kahit anong mangyari ay hindi ko siya hihiwalayan."
"Iha please, dito na titira si Chelsea, ayokong sabihin ng mga tao na manloloko ang anak ko, ayokong sabihin nila na ida sainyo ni Chelsea ay ginagamit niya, hindi ko gusto na magkasama sila sa iisang bahay lalo na at may girlfriend na siya."
"Pero bakit po ako? Bakit po ako ang pinapalayo niyo kay Rage at hindi si Chelsea, sabi niyo nga hindi kayo naniniwala sa kanya pero bakit hindi po siya ang palayuin niyo?"
Hinawakan ni Tita ang magkabilang braso ko. "Patawarin mo ako iha, pero sana ay sundin mo ang sinabi ko, hiwalayan mo siya. Kung kayo man hanggang sa huli ay panahon nalang ang makaka-pagsabi, siguro ay hindi lang ngayon ang tamang panahon sainyo. Balang araw darating ang araw na pagtatagpuin muli kayo, at kayo na hanggang dulo. Pagkapanganak ni Chelsea ay ipapa-DNA ko ang bata. Dito muna siya hanggang sa manganak siya."
"Bakit kailangan pa po naming maghiwalay? Hindi din po naman sila magkakasama sa iisang bahay dahil sa trabaho ni Rage."
"Awang-awa ako kay Chelsea iha, naawa ako sakanya dahil itinakwil siya ng lahat, iyak na iyak siya kanina habang nagkwekwento. Lalo na ng sabihin niyang ipinagtabuyan siya ni Rage."
Oh my gosh!
Best Actress!
____
- His Pov -
"Alam kong nagpapanggap ka lang dyan kaya bumangon ka na." Naiinis na sinabi ko kay Chelsea. Dahil sa inis ay hinila ko siya.
"Ouch Rage ano ba!" Daing niya.
"Ano na naman itong drama mo ha? Anong ang mga sinabi mo at napaniwala mo si mommy?"
"Madami, madami akong sinabi. You know me Rage, gagawin ko ang lahat makuha lang ang gusto ko, kaya unti-unti na kitang nakukuha." Nakangiting sinabi niya.
Kung pwede lang manuntok ng babae ay ginawa ko na, kung manakal ay ginawa ko na!
"Ibang-iba ka na Chelsea, hindi ikaw ang Chelsea na kilala ko noon."
"Wag kang magtaka, kasalan mo kung bakit ako naging ganito! Minahal kita ng husto pero ikaw minahal mo ba ako? Hindi di ba? Dahil nung niligawan mo ako, nung tayo ay si Trina pa rin ang nasa isip at puso mo! Binigay ko lahat pero anong ginawa mo" mapait na ngumiti ito at tumayo. "Ako lang ang babae na para sayo Rage, wala ng iba. Tayo ang itinakda." Anito at inilapit ang mukha niya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. "Ako'y sayo, at ikaw ay akin lang." Mapang-akit na sinabi niya.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...