Kabanata 17

3.7K 40 1
                                    


"Oh my gosh! Ang ganda mo! You're stunning!" Bulalas ni Patty at manghang nakatingin sa akin.

Katatapos lang kasi akong ayusan ng make up artist ni Patty at isinuot ko na rin ang gown.

"Parang hindi ko bagay." Sabi ko.

"Bagay na bagay mo kaya, lumabas lalo ang kagandahan mo."

"Ladies are you ready? We need to go." Tawag ng mommy ni Patty.

"Yes mommy lalabas na kami." Sagot ni Patty.

Nagmadali naman kaming isuot ang sandals namin at kinuha ko ang bag na pinahiram ni Patty sa akin. Muntikan pa akong matapilok dahil hindi ako sanay na magsandals.

Dahan-dahan ang ginawa kong paglalakad. Nakatanggap ako ng papuri sa mag-asawang Buenavista.

Hinawakan ni Patty ang kamay ko ng makarating kami sa tahanan nina Valerie. Rinig na rinig ang tugtog sa labas.

Nanlalamig ang mga kamay ko. Kinakabahan ako.

"Relax Trina." Sabi ni Patty at sabay na kaming pumasok sa loob. Ipinakita namin ang invitation namin sa security.

Parang halos lahat ay nandito na, parang kami lang nina Patty ang nahuli. Agad na may bumati sa mga Buenavista at nakipag-kwentuhan na.

Dinala naman ako ni Patty sa number ng table namin. Magkapareho kami ng table. Nakasulat sa table kung sino ang mga nakaupo.

Hindi ako makapaniwala, ka-table namin si Darwin, Connor,Tyron, Rage at makiki-table din sa amin si Vivian.

"Enjoy lang natin ang party." Ani ni Patty at nagpaalam muna sa akin, may babatiinang daw siya kaya naiwan muna akong mag-isa doon.

Nakita ko ang pagpasok ni Sara na inilibot ang mga mata. Kinabahan ako ng dumako ang tingin niya sa akin. Baka kung ano na naman ang gawin sa akin, baka ipapahiya na naman ako.

"Katrina? Is that you?"

Napalingon ako sa nagsalita.

"Darwin, hi." Nakangiting bati ko.

"Ikaw nga! Oh my, you're gorgeous my dear. Muntik na kitang hindi namukhaan." Sabi nito sa akin at naupo na. Kaharap ko siya.

Nahihiyang nagkamot ako ng ulo ko.

Napalingon naman ako sa taong umupo sa upuan sa tabi ko.

Si Tyron.

Saglit akong pinagmasdan nito. Sinusuri niya ako kaya naiilang ako. Ang seryoso pa naman niya.

Seryosong tinanguan niya lang ako.

Inilibot ko ang paningin ko, may tao akong gustong makita, syempre si Rage yun.

Nagpaalam muna ako kina Darwin para mag-cr lang. Nagtanong ako sa isa sa mga kasambay nina Vivian kung saan ang cr.

Habang naglalakad papunta sa cr ay may naririnig akong nag-uusap sa isang kwarto.

"Kailan mo ba siya hihiwalayan babe?" Boses ng isang lalaki iyon.

"Babe wag muna ngayon, hindi pa napupunta sa pamilya namin ang shares nila, kailangan muna naming siguraduhin na buo ang tiwala nila sa amin."

Hindi ako pwedeng magkamali sa boses na iyon. Ayoko man makialam pero may nagtulak sa akin na silipin sila, medyo bukas pintuan kaya naman sumilip ako doon.

Napatakip ako ng bibig ko! Pinipigilan ang mapasigaw. Nanlaki ang mga mata ko.

Agad akong lumayo bago nila ako mahuli. Mabilis ang ginawa kong pag-alis. Hindi na ako nag cr.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon