"Ano bang usapan niyo? Bakit ba kayo nag-aaway?" Tanong ko.Wala man lang sa kanila ang sumagot sa tanong ko.
Tumawa si Rage. "Ako na naman ganun ba? Oo ako na naman ang nagpaubaya! Lagi nalang Tyron! Sa lahat ng pwede mong kunin bakit si—." Hindi niya itinuloy ang sasabihin niya, napakuyom nalang siya ng mga kamay at muling sumuntok sa pader.
May sugat na ang kamay niya, nilapitan ko siya at hinawakan iyon pero muli na naman niyang tinabig ang kamay ko.
"Rage may sugat ka ano ba." Ani ko.
"Who cares? At pwede ba hayaan mo ako dahil baka magselos pa yang boyfriend mo!" Turo nito kay Tyron.
"Rage! Hindi ko boyfr—."
"I'm sorry Rage, I'm sorry dahil may nararamdaman din ako sa kanya, hindi ko lang nasabi agad sayo." Singit ni Tyron.
T-teka nga?! Ano?! Ano ang pinag-uusapan nila or sino?
Tumawa si Rage. "Yeah right!" Inayos niya ang nakusot na damit niya. "Malinaw na sa akin, then sabihin mo sa girlfriend mo na Leave me alone." Aniya kay Tyron at naglakad na paalis. Ako ba tinutukoy nito?
"Ra—."
"Trina wag mo na siyang sundan. Mainit ang ulo niya kaya hindi mo siya makakausap ng maayos.
"Naguguluhan na ako! Bakit ba kayo nag-aaway! Sino ba pinag-aawayan niyo? At isa pa lasing ang pinsan mo, kailangan na siyang umuwi, baka mapano pa siya eh. Sundan natin." Sabi ko at tumakbo ako para sundan si Rage.
"Trina!" Tawag sa akin Tyron pero hindi ko siya pinakinggan. Pumasok na ako sa bar dahil alam kong bumalik doon si Rage, nasa table na rin sina Patty, tapos na ang mga itong sumayaw, ang babaeng kasama ni Rage ay wala na doon, umalis na ata.
Inagaw ko ang bote ng alak kay Rage. "Tama na, lasing ka na. Iuwi mo na siya Darwin." Ani ko kay Darwin.
Tatayo na sana si Darwin para alalayan si Rage na tumayo pero malakas na paghampas ang ginawa ni Rage sa mesa na siyang ikinagulat namin.
"Walang uuwi! At wag mo akong pakialaman ano ba! Wala kang pakialam kung lasing ako!" Aniya sa akin at inagaw ang bote.
"Hindi na kita maintindihan! Kung may problema ka sabihin mo lang, matutulungan ka namin!" Ani ko.
"Ako? Matutulungan mo?" Tumawa ito at umiling nalang. Napatalon ako sa gulat dahil sa pagsulpot ni Tyron sa tabi ko. Binuksan nito ang isang bote at ininom iyon. Nagtatakang nakatingin sina Patty sa kanila.
"I think girls, kailangan ko na kayong ihatid. Anong oras na din kasi." Ani Darwin sa amin.
Naupo ako sa upuan. "Kagaya ng sinabi ni Rage walang uuwi! Baka kung unuwi tayo ay magpatayan na sila, mahirap na." Ani ko.
"Ano bang pinag-aawayan niyo?" Tanong ni Yna pero hindi sumagot ang dalawa, tuloy-tuloy ang ginawa nilang pag-inom.
"I think I know the reason. Sige na ihahatid ko na kayo, lalo na at darating so Connor, ayaw niyang makitang nandito kayo sa lugar na ito." Ani Darwin.
"Hindi ako aalis hangga't hindi ko nalalaman ang dahilan kung bakit sila nag-aaway at kung anong problema niya." Turo ko kay Rage.
Tiningnan ni Rage sina Patty. "Paki sabi sa kaibigan niyo na napaka manhid niya! Ang manhid niya sobra." Anito. Ako ang tinutukoy nito.
Napatingin sina Patty sa akin.
"Hindi ko alam kung bakit tinatawag mo akong manhid, kung diretsuhin mo nalang kasi ako! Ano bang gusto mong sabihin?! Bakit mo ba ako sinasabihan na manhid?!"
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...