"Magmula lumabas ka ng hospital ay ang tamlay mo na at napakatahimik mo, sigurado ka bang okay ka lang talaga Trina?" Tanong sa akin ni Patty, nana-nanghalian kami ngayon dito sa canteen.Tatlong araw na ang nakakalipas ng itakbocako sa hospital, sa tatlong araw na yun ay iginugol ko ang oras ko sa practice dahil dalawang araw nalang ay sports league na.
"Ayos lang ako ano ka ba." Pinilit kong pasayahin ang boses ko. Hindi ko alam magmula lumabas ako ng hospital ay nawalan na ako ng gana, dahil na rin siguro sa sinabi ng doctor sa akin.
"At tsaka nauubos na namin pagkain namin pero ikaw hindi mo pa nakakalahati ang pagkain mo. Trina may problema ka ba? Sabihin mo lang, baka makatulong kami." Sabi ni Yna.
Nginitian ko sila. "Ano ba kayo, okay lang ako at walang problema." Sa nakikita ko sakanila ay parang hindi sila naniniwala. "Guys okay na okay lang ako, kumain na nga tayo." Nakangiting sinabi ko, hahawakan ko na sana ang kutsara pero biglang may kumuha sa kinakain ko.
Tiningala ko kung sino iyon.
"Tyron what are you doing? Trina is eating. Ibalik mo yan." Ani Patty kay Tyron na nakatayo sa gilid ko, inilapag niya sa mesa ang isang plato na may lamang masustansya pagkain.
"Iyan ang kainin mo, para lumakas ka." Sabi nito at naglakad na pabalik sa table nila. Nagtatakang sinundan ko siya ng tingin, nagtatakang nakatingin din sa kanya sina Darwin, samantalang si Rage ay busy lang sa pagkain niya.
"Bakit ka duma-damoves sa baby ko Tyron! Ako dapat ang nagdadala ng pagkain para sa kanya eh." Narinig kong sinabi ni Caleb dito.
"He's weird." Ani Gail.
"Sino?" Tanong ko.
"Tyron, alam mo bang malamig ang pakikitungo niyan sa mga babae? Pero ikaw lang itong nilalapitan ang kinakausap niya."
"Maybe he likes you.", Sabay na sinabi ng tatlo.
Kumunot ang noo ko. "Kumain na nga lang tayo, wag kayong mag-isip ng kung ano." Saad ko.
Inaasar ako ng tatlo pero napapailing nalang ako.
Pero bakit nga ba binigyan ako ni Tyron ng pagkain? Pinalitan niya ang kinakain ko?
Hindi kaya...... Shocks.
___
"Tyron." Tawag ko kay Tyron pagkatapos ng klase namin nauna siyang lumabas pero hinabol ko siya.
"May problema ba?" Tanong niya.
"Pwede ba tayong mag-usap?"
Hindi ito sumagot, bagkus at tumango lang ito. Muli kaming pumasok sa room dahil wala naman ng tao, pinauna ko na si Gail dahil kakausapin ko pa si Tyron.
"Tungkol sa ibinigay mo kanina...." Pagsisimula ko.
"Ah yun ba? Bakit?"
"Bakit mo ako binigyan ng pagkain, meron naman akong kinakain eh." Sabi ko.
"Ah kasi ang ibinigay ko ay mas masustansya kaysa sa kinakain mo." Anito.
"Pero bakit?"
"Kasi di ba galing ka hospital, at laging masama pakiramdam mo, kaya mas mainam na masustansya ang kainin mo para lumakas amg pangangatawan mo."
Ngumiti ako. "Thank you Tyron. Yun lang naman gusto kong itanong. Akala ko kasi may ibang dahilan, akala ko alam mo."
"Alam ko ang alin?"
Umiling agad ako. "Wala, labas na tayo." Sabi ko at nagtungo na ako sa pintuan para lumabas.
"Na may sakit ka? Iyon ba?"
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...