Kabanata 28

3.7K 36 1
                                    


"Kung bastos lang ako at walang modo ay baka kung ano pa ang nagawa ko sa matandang iyon." Ani Darwin pagkaalis ng ginang, sumunod kasi ito kay Mr. Parker

Hinarap ako ni Rage. "I'm sorry, If it's not because of me ay hindi ka sana sinugod ni Tita Venny. It's my fault I'm sorry. Gagawin ko ang lahat malinis lang ang pangalan mo." Anito sa akin. Hinawakan nito ang magkabilang balikat ko at napayuko at bumuga ng hangin.

"Ayos lang Rage, hindi natin maiwasan na mag-isip talaga sila ng kung ano tungkol sa atin." Ani ko.

"Totohanin niyo na kaya ang sinasabi nila na may relasyon kayo."

Pareho kaming napatingin kay Darwin dahil sa sinabi niya.

Ngumiti ito. "Suggestion lang kayo naman." Aniya.

"What happened? Anong ginawa ni tita Venny sayo?" Nag-aalalang tanong ni Connor at agad akong nilapitan. "Namumula ang pisngi mo." Sabi niya.

"Okay lang, sanay naman na akong nasasampal." Sabi ko. Oh shocks! Bakit sinabi kong sanay ako?! Baka lung anong isipin nila.

Parehong nagtatanong ang mga mata nila, pwera kay Darwin.

"Anong ibig mong sabihin sa sanay ka ng nasasampal?" Tanong ni Patty.

"K-kasi m-may tao din kasi na nanampal s-saakin noon, eh ang lakas ng ginawa niyang pagsampal noo, k-kaya biglang nasanay ang pisngi ko." Ani ko. Pero parang mali ata ang sinabi ko eh, hindi kapanipaniwala iyon.

Kinakabahan ako sa mga tingin na ibinibigay nila sa akin. Hindi sila kontento sa sinabi ko, kailangan na makaisip agad ako ng sasabihin.

Isang malakas na busina ng sasakyan ang gumulat sa amin.

"Napakalawak ng daan, malawak ang parking, pwede namang doon kayo magpark hindi ba!" Inis na sinabi ni Connor sa kung sino ang nasa loob.

"Oh my, nagmadali akong nagpunta dito dahil may nakapagsabi sa akin na sinugod ka raw ni mommy." Ani Vivian na lumabas sa kotse at patakbong lumapit sa akin. "I'm sorry Trina, I'm sorry, hindi ko alam na susugurin ka ni mommy, sabi ko naman sa kanya na hindi na, hayaan ka na niya." Sabi nito, sa nakikita ko sa mukha niya ay parang hindi siya sincere.

Hinawakan ni Rage ang kamay ni Vivian. "Let's talk." Seryosong sinabi nito.

"Anong pag-uusapan natin? Babalik ka na ba sa akin baby?"

Hindi ito sinagot ni Rage, bagkus ay hinila niya lang ito lumayo sa amin. Hindi ko alam kung saan siya dadalhin ni Rage.

"Babalik ako sa office, kakausapin ko si Tita Venny." Sabi naman ni Connor.

"Hindi na, hindi na. Kausap naman na siya ng daddy mo, kaya okay lang." Pigil ko sa kanya.

Isang kotse ang humito sa tapat namin, bumaba ang windshield sa backseat. Isang naka shades na ginang iyon, tumingin ito sa amin.

"Nandito ba ang mommy at daddy mo Connor?" Tanong nito.

"S-si dad lang po ang nasa office, nandoon din po si Tita Venny." Sagot ni Connor.

Hindi na nagsalita pa ang ginang, ibinaba nito ang shade niya at tumingin siya sa akin pero agad din namang ibinaling ang tingin niya kay Connor. "Sakto, gusto ko din kausapin si Venny." Ani ng ginang at bumaba ng sasakyan. "Darwin and Connor samahan niyo ako sa office ni Carlos." Anito sa dalawa. The way she talks ay nakakatakot siya. At halata sa kanya na napa istrikto niya.

"Sige po tita." Pagpayag ng dalawa.

"Babalik kami." Ani Connor sa amin at sinamahan na ang ginang.

"Sino yun" tanong ko kay Patty.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon