Kabanata 30

3K 33 0
                                    


Nakangiting pinagmamasdan ko ang mga bata na masayang naglalaro kasama si Rage.

"Ito iha, magbihis ka na muna baka matuyuhan ka, mahirap na uso pa naman ang sakit ngayon" Ani sa akin ni Aling Pacing, isa sa mga trabahador ng hacienda.

Tinanggap ko iyon. "Salamat po." Itinuro nito ang banyo, nagtungo naman ako doon para magbihis.

Pagkalabas ko ay agad akong lumapit sa mga bata at kau Rage na nagkwe-kwentuhan na. Nakabihis na rin si Rage.

"Kuya Rage? Saan niyo po ba nakilala si ate Trina?" Tanong ng isa.

"Oo nga po kuya Rage, paano niyo po siya niligawan?" Tanong naman ng isa pa.

Yun talaga ang tingin nila sa akin, girlfriend ni Rage.

Naramdaman siguro ni Rage ang presensya ko kaya napalingon siya sa akin.

Ngumit siya at ibinalik ang atensyon sa mga bata. "Sa susunod nalang ako magkwekwento okay, kailangan na kasi naming umalis. Baka hinahanap na kami sa bahay." Sabi nito sa kanila.

Nagpaalam naman na kami sa mga bata at kina Aling Pacing.

___

Kuya Rage! Ate Trina! Bakit hindi niyo ako sinama? I want to play with the kids." Salubong ni Kyron sa amin.Ngumuso ito na parang nagtatampo.

Binuhat ito ni Rage. "Bukas ka nalang pumunta doon, magpasama ka kay yaya." Ani Rage.

"Okay, so kayo na muna ang kalaro ko, is ot okay ate Trina?" Tanong sa akin ng bata.

"Of course, basta ikaw." Nakangiting sinabi ko.

Ginugol namin ang oras namin sa pakikipaglaro kay Kyron bago umuwi. Ang bilis ng oras, tapos na agad ang isang araw namin sa Hacienda.

Bago umalis ay ako na muna ang nagpakain sa lola ni Rage, masaya itong nakikipag-kwentuhan sa akin. Masaya din ako dahil nakilala ko ito, kahit isang araw lang kaming nasa hacienda ay parang matagal ko ng kasama si lola, paano ba naman kasi ay napaka friendly nito.

Kinumutan ko siya ng makatulog na siya. "Lola aalis na kami ha, babalik ako para may kakwentuhan ka." Sabi ko sa kanya.

Lalabas na sana ako pero nakita kong nakabukas ang closet, isasara ko na sana yun pero may nakita akong nakatagong picture frame.

Kinuha ko yun at laking gulat ko dahil ang nasa litrato ay kamukhang-kamukha ko.

Siya ba si Kyla? Oo siya nga! Dahil may naka-ukit na pangalan sa frame, KYLA ang naka-ukit doon.

Bakit kamukhang-kamukha ko siya? Sino ba talaga siya?

Oh baka naman ang tanong ay....

Sino ba ako?

"Oh kumusta naman? Anong panibagong hakbang ang ginawa mo kay Rage?" Tanong ni nanay pagkauwi na pagkauwi ko.

"Wala po nay, namasyal lang kami sa kanila." Sagot ko.

"Wala ka man lang ginawa? Hay naku mahina ka, sana nagpabuntis ka na para tulayan na siyang matali sayo."

"Nay naman!" Hindi ko na naiwasang tumaas ang boses ko dahil sa hindi ko nagustuhan ang sinabi niya.

"Oh bakit?! Tinataasan mo na ako ng boses ngayon? Bakit may ipinagmamalaki ka na ba huh?!" Kinutusan ako ni nanay.

"Pasensya na po, pagod lang po kasi ako." Sabi ko.

"Ang sabihin mo ay yumayabang ka na dahil nagka-boyfriend ka ng isang mayaman! Hoy babae kung hindi lang kita binigyan ng advice ay hindi mapapasayo si Rage!" Sigaw nito.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon