Nakangiting pinapanuod ko sina Rage na naglalaro ng basketball dito sa court. Nalaman ko kasing may practice sila kaya naman agad akong nagpunta dito para lang mapanuod siya.Buong practice ay kay Rage lang ako nakatingin.
Naramdaman kong may naupo sa tabi ko. Hindi ko na nilingon iyon dahil alam kong si Patty yun.
"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ko, na kay Rage pa rin ang atensyon ko.
"Look at me." Sinabi sa akin ni Patty.
Tiningnan ko siya at nanlaki ang mga mata ko at napanganga. "A-anong nangyari sa mata mo?"
Umiyak ito. "I hate that man! Sinira ang beauty ko." Umiiyak nitong sinabi, paano ba naman namumula ang kaliwang mata niya at medyo namaga.
"Sinong lalaki? Anong ginawa niya?" Nag-aalala kong tanong.
"That Parker! Connor Parker, tinama ba naman ang tennis ball sa akin at sa mata ko tumama!tingnan mo ang nangyari oh." Humihikbi ito .
"Eh di sana dumiretso ka man lang sa clinic, bakit dito ka pumunta?"
Tumigil ito sa pag-iyak. "Oo nga ano, halika samahan mo ako." Sabi nito at muking napaiyak.
Napakamot ako sa ulo ko, tatayo na kami ng may humarang sa amin. Si Connor iyon at humihingal, tumakbo ata.
"Miss I'm sorry hindi ko sinasadya, bigla ka kasing sumulpot sa field eh." Sinabi nito kay Patty.
"Ang sabihin mo sinadya mo!" Bulyaw ni Patty.
"What happened?" Tanong ni Rage na nakalapit na pala sa amin. Bumilis ang tibok ng puso ko ng magkadikit ang balikat namin. "Oh no, anong ginawa mo Connor?" Tanong nito kay Connor.
"Hindi ko sinasadya." Ani Connor at muling tumingin kay Latty. "Look miss nasa kalagitnaan kami ng practice pero bigla kang sumulpot. I'm sorry okay, tara sa clinic at kung gusto mo bayaran kita pa—."
"I don't need your money. Alis, dadaan kami." Itinulak niya si Conor at padabog na naglakad.
Huminga ng malalim si Conor at napatingin sa akin.
"Excuse me." Nahihiyang sinabi ko at sinundan na si Patty.
Huminto muna ako sa paglalakad at pumagilid dahil may magandang babae akong nakasalubong.
Ngumiti ang babae sa akin. "Hi." Bati niya, nginitian ko siya
Sinundan ko siya ng tingin, papunta siya kina Rage at nagulat ako dahil hinalikan niya si Rage sa pisngi. "Are you done honey?" She asked.
Ouch!
Siya ata ang girlfriend ni Rage.
"Trina! Ano na! Halika na." Tawag sa akin ni Patty na naiinip na naghihintay, patakbo akong lumapit sa kanya.
Muli akong tumingin kina Rage at sa girlfriend niya. Ang sweet nila.
Ang sakit naman.
___
Huminga ako ng malalim at ngumiti kay Sara na hinarangan ang dadaanan ko. "May kailangan ka ba?"
"Where's my shoes? Siguro naman nalabhan mo na hindi ba?" Nagtaas siya ng kilay.
"Ah nilagay ko sa silong ng upuan mo. Tingnan mo nalang doon." Sabi ko at humakbang na pero hinawakan niya braso ko at agad ding binitawan tsaka naglabas siya ng alcohol niya.
"Dirty ka pala kaya hindi ka pwedeng hawakan." Nandidiri nitong sinabi.
"Excuse me, wala ka naman na sanang sasabihin. Aalis na ako." Sabi ko

BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...