Ilang oras akong nanaitili sa condo ni Rage at ilang oras na din siyang hindi lumalabas, nagkulong na siya sa kwarto niya, mabuti nalang at nandito ang mommy niya na kakwentuhan ko at si Kyron kalaro ko."Dito ka na magdinner iha. Magluluto lang ako." Ani ni tita.
"Hindi na po tita. Anong oras na din po kasi, kailangan ko na pong umuwi." Ani ko.
"Ganun ba, sige. Pero tawagin mo na si Rage para maihatid ka."
Umiling ako. "Wag na po tita, magcocommute nalang po ako. Baka po kasi tulog si Rage eh, ayoko pong istorbuhin." Ani ko.
"Kahit na, hindi pwedeng mag-isa mo lang uuwi, lalo na't madilim na. Nakakatakot kaya sa labas. Ako na ang gigising kay Rage." Tutungo na sana si tita sa kwarto ni Rage pero bumukas ang pintuan at lumabas ito. Bihis na bihis ito. Mukang may lakad.
"I heard it mom. Oo na ihahatid ko na siya." Seryosong sinabi niya.
"That's my boy. Mag-iingat kayo ha." Nakangiting sinabi nito at hinalikan si Rage sa pisngi at niyakap naman niya ako.
"Bye ate Trina, let's play again next time." Ani Kyron. Niyakap ko siya at nagpaalam na.
Mabilis ang ginawang paglakad ni Rage kaya tumakbo na ako para mahabol siya. Pagkabukas ng elevator ay agad siyang pumasok ganun din ako. Ang tahimik niya. Hindi siya nagsasalita kaya naman tumahimik nalang din ako. Wala akong maisip na sasabihin.
Pagdating namin sa parking lot ay huminto siya bigla, muntikan ng tumama ang mukha ko sa likuran niya. Nakapamulsa na hinarap niya ako.
"Tinawagan mo na ba si Tyron para sunduin ka?" Tanong nito.
Umiling ako.
"Call him at puntahan ka dito."
"Akala ko ba ihahatid mo ako?"
"May lakad ako, at baka ano oa ang isipin ni Tyron. Kung ayaw mong tawagan ako na ang tatawag sa kanya." Magda-dial na sana siya sa phone niya pinigilan ko siya.
"Wag na, hindi na kailangan. Magcocommute nalang ako. Baka busy din siya nakakahiya." Naiinis na sinabi ko, paano ba naman umaasa ako na ihahatid niya ako.
Padabog na naglakad ako papunta sa exit. Parang walang jeep na dumadaan dito kaya magtataxi nalang ako. Nilingon ko ang papalabas na kotse ni Rage. Talagang iiwan niya ako? Hindi niya talaga ako ihahatid? Grabe siya! Naiinis na sinundan ko ng tingin ang papaalis niya kotse. Napahaplos ako sa braso ko dahil nilalamig ako. Nakalimutan kong magdala ng jacket. Lihim akong napangiti dahil sa kotseng huminto sa harap ko. Binalikan niya ako, di rin niya pala ako matiis. Bumukas ang pintuan.
"Get in." Ani Rage na hindi ako tinitingnan.
Pumasok na ako, baka kapag nagpakipot pa ako ay iiwan na talaga niya ako.
"Hindi mo rin pala ako matiis." Sabi ko.
"Mahirap na, kapag may nangyari sayo ay baka kung ano ang magawa pa sa akin ni Connor." Malamig na sabi niya.
"Concern ka lang." Bulong ko. Hindi siya nagsalita kaya siguradong hindi niya narinig.
"Laro niyo ulit bukas. Maglalaro ka naman hindi ba? Kasi kung mananalo kayo bukas ay pasok na kayo sa next game."
"Hindi ko alam kung makakapaglaro ako, lalo na at hindi ako nakapag-ensayo."
"Pero kailangan ka nila."
"Kayang-kaya nila kahit wala ako. Hindi naman pwedeng mananalo lang sila kapag nandoon ako. Kailangan nilang ilabas ang galing nila. Magpakitang gilas sila, para hindi nalang lagi ako ang laging nasa news paper ng University." Aniya.
![](https://img.wattpad.com/cover/312808628-288-k316878.jpg)
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...