Kabanata 78

3.6K 30 0
                                    


"Trina? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

I smiled.

Pumasok sa loob na walang pahintulot. Inilagay ko ang bag ko sa kama niya at umupo doon. Inilibot ko ang paningin ko sa loob. Napatingin ako kay Rage ng isara niya ang pintuan, tumayo siya sa harapan ko.

"What is exactly your doing here?" Seryosong tanong niya.

"To win you back."

He laughed. "Really? Really.", Aniya at umalis sa harapan ko kaya naman tumayo ako at nagpunta ako sa harapan niya.

"Alam kong hindi ka ikakasal."

"Sino ba kasing nagsabi sayo na ikakasal ako?"

Itinuro ko ang sarili ko. "Ako, tamang hinala kasi ako eh, pinsan mo pala kasi ang ikakasal hindi ikaw. Scam din kasi yang singsing mo eh, trip mo lang atang mag singsing." Saad ko.

"Diretsuhin mo na ako kung anong kailangan mo Katrina."

"Iyon nga, gusto ay magkabalikan tayo, tutal single ka naman, single ako. Mukang muli tayong pinagtagpo, at tayo nga ata ang nakalaan para sa isa't-isa." Saad ko.

"What is happening to you?"

I hold his hand. "I want you back Rage, alam kong nahihiya ka sa akin kaya ayaw mong mag first move ulit kaya ako na ang gagalaw." Ani ko.

Kumunot ang noo nito.

"Bumalik ka na sa akin please, tayo na ulit." Ani ko.

Hindi siya makapaniwala sa sinasabi ko. Binitawan ko ang kamay niya at nagpalakad-lakad sa harapan niya.

"I'm leaving."

"Saan ka pupunta?"

"Sa ibang bansa, doon na ako mananatili."

"Pipigilan kita, gagawin ko ang lahat para hindi ka matuloy." Nakangiting sinabi ko. "Kailangan na maging maayos na muna tayo. Mahal kita Rage, hindi iyon nawala. Sa loob ng tatlong taon, ikaw lang naman ang minahal ko eh." Ani ko sa kanya.

"Bakit mo ba ito sinasabi?" Tanong niya.

"Gusto ko lang malaman mo ang nararamdaman ko. Na-mimiss na kita eh, na mimiss ko na ang honey ko, oo nagkamali ako ulit noon, pangalawang beses na kitang sinaktan pero ngayon hinding-hindi na, nagsisi na ako sa mga ginawa ko." Ani ko sa kanya at tiningnan siya sa mga mata. Mukang hindi siya sanay sa mga sinasabi ko.

Inilahad ko ang kamay ko sa kanya. "So tatanggapin mo ba ulit ako?" Nakangiting tanong ko.

Tiningnan niya ang kamay kong nakalahad.

"Dalawang beses mo na akong sinaktan." Sabi niya. "Kaya nakapag-decisyon na ako. Aalis ako." Seryosong sinabi niya. Hindi siya nagbibiro.

Napayuko ako at dahan-dahan kong ibinaba ang kamay ko. End game na ba talaga?

____

His Pov

Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya dahil sa sinabi ko. Napayuko ito.

"Aalis ako, kapag muli mong binitawan ang kamay ko." Saad ko kaya naman nag-angat siya ng tingin.

Ngumiti ako, hinila ko siya at niyakap. Totoong balak ko na talagang umalis dito sa Pilipinas, at sa ibang bansa na titira, pero hindi ko naman inaasahan ang pagpunta niya dito. Hindi ko siya matiis eh, mahal na mahal ko kasi.

Flashbacks

"It's not my child." Ani ko kay Chelsea at ibinigay sa kanya ang resulta ng DNA test. Kanina pa siya hindi mapakali, kanina ko pa pansin na kinakabahan siya, dahil alam niyang hindi ko talaga anak ang bata.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon