"Foul play?" Kunot-noong tanong ni kuya sa akin.
"Yeah, na check naman lahat pero bago daw lumipad ang eroplano ay may gumalaw sa makina, at may naglagay ng bomba, kaya isa iyon sa dahilan ng aksidente." Ani ko.
"Sino naman ang gagawa nun?"
"That's my question too, kasi ang sabi nila si Rage daw talaga ang puntirya nila. Sinong galit kay Rage na gagawa nito? Wala naman siyang kaaway hindi ba?" I asked.
"Maybe Tito Kevin." Ani Darwin.
"Huh?"
Naupo si Darwin sa tabi ni Kuya Connor. "Siguro ay may gustong maghiganti sa pamilya nila, galit kay Tito Kevin kaya ang tinira nila ay si Rage."
"Pwede rin, madaming nakabangga si Tito Kevin kaya marahil isa sa mga nakaalitan nila ang gagawa nito." Ani Tyron.
"I saw Armando Parker, anong ginagawa ng tito niyo dito?" Tanong sa amin ni Grego pagkalapit na pagkalapit niya.
"Tito Arman is here?" Nakakunot noong tanong ni Kuya. Lihim akong napakapit sa damit ko.
"Yeah sinundan ko pa siya, he is talking with someone, wala naman siyang binibisita dito sa hospital. May kinausap lang naman siya, and I'm sorry to say this ah, sa tingin ko ay may itinatago ang tito niyo, dahil ang lalaking kausap niya ay hindi basta-bastang tao, mukang killer." Ani Grego.
"E-excuse me. I-iwan ko muna kayo. I want to see Rage." Paalam ko kuna sa kanila. Habang naglalakad papunta sa ICU ay nanginginig na ako, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.
May kinalaman na naman ba siya dito? Siya na naman ba ang may pakana ng lahat? Bakit ba niya ginagawa ito?
Napadaing ako at muntikan ng matumba dahil may taong nabangga ako. Matangkad na lalaki, naka sombrero at naka jacket ng black.
"I'm sorry." Ani lang niya at nagmamadaling umalis. Sa pagsasalita niya ay halatang Pilipino ito, sinundan ko siya ng tingin, muli siyang lumingon sa akin pero agad na nag-iwas ng tingin ng makita niyang nakatingin ako sa kanya at tumakbo na siya.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi kaya galing siya kay Rage?! Oh my gosh! Tumakbo na ako pagpuntang ICU, mabilis ang ginawa kong paglapit kay Rage. Sinuri ko pa siya at ang machine para masigurong walang problema. Nakahinga ako ng maluwag dahil maayos naman lahat.
Ngumiti ako at hinaplos ang mukha ni Rage. "Wag masyadong matulog ng matagal ha, kasi nakakapagod kayang manatili lang sa kama, at ilang araw na nakahiga. Kaya dapat bukas o sa isang araw ay gising ka na, wag mo namang paabutin ng ilang linggo o buwan o taon, wag naman." Ani ko kay Rage.
Mahigpit na hinawakan ko ang kamay niya na parang ayoko siyang bitawan, na ayokong mahiwalay sa kanya. Naupo lang ako at pinagmamasdan siya habang hawak ang kamay niya.
"Armando?"
Napalingon ako sa pintuan dahil narinig ko ang boses ng mommy ni Rage.
Armando? Nandito si tito Armando. Dahan-dahan kong binitawan ang kamay ni Rage at lumapit ako sa pintuan. Hindi ako lumabas, nanatili lang akong nakatayo doon.
"Nandito ka pala Armando. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni tita Raquel.
"May dinaanan kasi ako dito na kakilala ko eh nabalitaan ko ang nangyari kay Rage tapos nalaman ko din na dito pala siya itinakbo kaya naisipan kong kumustahin siya, na bisitahin siya." Ani tito.
"Ah oo. Hindi pa gising ang anak ko. At hindi din siya pwedeng bisitahin muna lalo na't ICU ito. Pero salamat sa abala, baka may lakad ka pa."
"O-oo oo, babalik nalang ako dito para bumisita ulit kapag hindi pa ako uuwi ng Pilipinas. Paki sabi nalang kay Kevin na dumaan ako." Ani tito. Narinig ko ang mga yapak niya na papaalis.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...
