Isang araw na lang ay last game na rin nina Rage, pantay na sila nina Gabriel pero kapag naipanalo nina Rage ang laro ay sila na ang panalo. Hindi ko pa rin nasasabi sa kanya ang pag-alis ko at ang sakit ko. Wala taga akong lakas ng loob na sabihin sa kanya."Bukas na ang alis mo pero hindi mo pa nakakausap si Rage, di mo pa nasasabi sakanya." Ani ni Kuya sa akin.
"Hindi ko na ata sasabihin sa kanya kuya."
"Bakit?"
"Hindi ko kaya, at ayokong malaman niya, kaya please kuya wag mong sabihin sa kanya."
"Pero paano kung hanapin ka niya kapag umalis ka na? Anong sasabihin ko?"
"Ikaw ng bahala kuya, sabihin mo na lang na sa ibang bansa na ako mag-aaral, na biglaan ang pag-alis ko kaya hindi ako nakapagpaalam."
"As if naman na maniniwala siya."
"Basta gumawa ka nalang ng kwento hanggang sa maniwala siya." Ani ko.
____
Naiiyak ako habang pinapanuod ang laro nina Rage, ito na ata ang huling laro niya na mapapanuod ko. Tumulo na ang mga luha ko ng manalo sila. Pumalakpak ako, hindi ako makasigaw, sina Yna halos mapaos na sa kakasigaw. Tumingin si Rage sa akin, tinapik niya ang dibdib niya tsaka ako sinaluduhan at nag flying kiss pa siya. Pinunasan ko ang luha ko at nag-flying kiss din ako sa kanya.
Masayang sinalubong niya ako, niyakap at iniangat sa ere. "We won! We won!" Sabi niya tsaka ako ibinaba.
"Napakagaling mo talaga." Ani ko at pinisil ang magkabilang pisngi niya.
"Wala ba akong kiss?"
Ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi. "Bakit sa pisngi lang?" Nagtaas-kilay siya. Pabiring sinampal ko naman siya.Sumama kami ni Yna sa party nina Rage, sina Darwin, Tyron, Gabriel ay sumama na rin. Si Kuya lang ang wala dahil ayaw niya daw malasing, ihahatid pa daw ako sa airport. Oo nga pala, ilang oras nalang ay babiyahe na ako. Iiwan ko na silang lahat.
Habang nagkakasiyahan ay hinawakan ni Rage ang kamay ko. "Lumabas na muna tayo." Aniya, lumabas na kami at nagulat ako dahil bigla niyang piniringan ang mata ko.
"Rage?"
Hinawakan nito ang kamay ko. "May pupuntahan tayo." Sabi niya. Hindi na ako nagtanong inalalayan niya ako sa paglalakad. Hindi naman masyadong malayo ang nilakad namin. Pinahinto niya ako tsaka dahan-dahan na inalis ang piring sa mga mata ko.
Namangha ako, nasa isang garden kami, may mga ilaw at may nakapalibot na bulaklak sa akin at heart shape iyon. Hindi ko inaasahan ito, lumabas din sa kung saan sina Gail, Yna, Patty, si Tyron, Darwin at Gabriel. Nakangiti lang sila sa akin habang may, natawa nalang ako dahil bigla silang kumanta, kahit wala sa tono ay enjoy na enjoy sila sa pag-awit. Si Tyron ay parang nahihiya na sa ginagawa nila.
Napalingon ako kay Rage na may hawak ng bulaklak. Lumapit ito sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Walang ng paligoy-ligoy pa. Excited na kasi ako eh. Katrina Ramirez or Katrina Parker, can you be my girlfriend?" Nakangiting sinabi niya.
Napakasaya ng pakiramdam ko pero ang mga ngiti sa labi ko ay biglang nawala.
"Trina?" Tawag ni Rage, hindi kasi ako sumasagot sa tanong niya.
Pilit na ngumiti ako at hinawakan ang mukha niya. "Alam mong mahal na mahal kita, gusto kong maging boyfriend kita, pero kasi...."
"Pero ano?" Kunot-noong tanong niya.
Napayuko ako.
"I'm sorry."
"W-what do you mean? Are you rejecting me?" Tanong niya. "Trina look at me." Aniya at hinawakan ang kamay ko, nag-angat ako ng tingin.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...