'Tay? Tatay?' tawag ko kay tatay ng makita ko siya. Nakakingiting inilahad niya ang kamay niya sa akin, umiiyak na sinugod ko siya ng yakap. "Tatay." Sambit ko.'Kumusta na ang aking anak, pasensya ka na kung iniwan kita ng maaga.'
'Tatay.' iyan lang ang tanging lumabas sa aking bibig.
Hinaplos nito ang buhok ko. Hindi ako bumibitaw sa pagkakayakp sa kanya. 'Oras na din siguro na malaman mo ang buong katotohanan. Kapag nalaman mo man ay wag ka sanang magkimkim ng galit. Panatilihin mo ang kabutihan ng puso. Hanggang dito na muna ako iha. Tandaan mo mahal na mahal kita.'
'Tatay? Tatay?' hinanap ko si tatay dahil bigla nalang siyang nawala. Nasaan na si tatay?
Isang paghaplos sa aking mukha ang nagpagising sa akin. Ang nag-aalalang mukha ni Mrs. Parker ang bumungad sa akin.
Panaginip lang ba iyon? Sa panaginip ko lang nakita si tatay. May mga luha sa pisngi ko at totoong umiiyak ako.
Tumingin ako sa paligid ko. Nasa hospital ako.
"Kumusta ka na? Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Naiiyak na sinabi ni Mrs. Parker.
"P-paano po- a-ano po-." Naalala ko ang nangyari, sinasaktan ako ni nanay at bago ako mawalan ng malay ay may narinig akong sumigaw. "Kayo po ba yung dumating sa bahay?" Tanong ko.
Tumango si Mrs. Parker. "Naabutan ko ginagawa ng nanay mo sayo bago ka nawalan ng malay. Ako na ang nagtakbo sayo sa hospital." Nakita ko ang pagtulo ng mga luha ni Mrs. Parker.
"B-bakit po kayo umiiyak?" Nagtatakang tanong ko, bigla kong naalala ang huling katagang narinig ko. "A-ano nga po ba yung sinabi niyo? D-daughter? Ano pong ibig niyong sabihin doon?"
Dahil sa sinabi ko ay napahagulhol si Mrs. Parker, nataranta ako dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit humahagulhol na ito. Niyakap ako ng mahigpit ni Mrs. Parker.
"I'm very sorry iha, patawarin mo sana ang mommy." Umiiyak na sabi niya.
Mommy? Anong ibig niyang sabihin? Hindi ko maintindihan.
"M-mommy? A-ano pong m-mommy?" Nanginginig kong sinabi. Hindi makapagsalita si Mrs. Parker dahil patuloy ito sa pag-iyak.
Bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin ng may nagbukas ng pintuan. Pumasok si Mr. Parker at si Connor.
"She needs to know Carlos. Kailangan na niyang malaman, nakita ko kung anong ginagawa sa kanya ng nanay niya hindi ko kayang makitang sinasaktan ang anak natin."
"T-teka lang po, hindi ko po kasi maintindihan ang sinasabi niyo. Ano pong anak? Sino pong anak niyo?"
Tumingin sa akin si Mrs. Parker, si Connor ay napayuko. Hinawakan ni Mrs. Parker ang mukha ko. Lumapit si Mr. Parker sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Katrina." Sambit ni Mr. Parker at nagsimula na din siyang umiyak. "Kami ang tunay mong mga magulang."
Sa sinabi ni Mr. Parker ay natahimik ako. Tama ba ang narinig ko? Na sila ang tunay kong mga magulang?
Imposible!
"A-ano, p-paano po?" Naiiyak na ako.
"Patawarin mo kami iha, patawarin mo kami ng mommy mo. Patawarin mo kami anak." Humagulhol na rin si Mr. Parker at mahigpit ang pagkakahawak nito sa kamay ko.
Niyakap ako ni Mrs. Parker. Tumingin ako kay Connor na tumalikod pero halatang umiiyak siya.
Tumulo na ang mga luha ko. Hindi ko alam kung panaginip lang ba ito o ano. Hindi ako makapaniwala, paanong nangyari na anak nila ako?
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...