Kabanata 58

3.2K 34 0
                                    


Nandito ako ngayon sa grocery ni nanay, gusto ko siyang tulungan, kahit may mga tauhan siya ay kailangan ko pa rin siyang tulungan, umaayaw nga si nanay dahil baka mapagod daw ako pero nagpumilit ako.

"Trina anak uuwi ako ngayon, anong gusto mong kainin? Ipagluluto kita."

"Kayo nalang po bahala nay."

"Oh sige, siya nga pala iha? Hindi ko nakikita si Rage, bumalik na ba siya sa trabaho?" Bakit si Rage pa ang natanong ni nanay?

"H-hindi ko po alam eh."

"Alam mo bang laging pumupunta iyon dito? Dito siya naggrogrocery, ito daw ang paborito niya, tuwing pumupunta dito ay lagi niyang kasama yung modelong girlfriend niya." Kwento ni nanay.

"N-nakilala niyo na po si Chelsea?"

"Oo ipinakilala siya ni Rage, mabait naman yung babae. Pero nung isang araw si Rage lang ang pumunta dito, hindi niya kasama yung Chelsea. Oh siya iha, uuwi na ako. Hintayin mo ako dito."

"Sige po nay."

_____

Ilang araw na ang lumipas simula ng makabalik ako dito sa Pilipinas, ilang araw na ang lumipas ng maganap ng party at sa ilang araw na iyon ay daig ko pa ang artista na laman ng balita, kilala kasi ang mga Parker eh. Pero sa ilang araw na iyon masasabi kong tahimik ang buhay ko, concentrate sa pag-aaral, pakikibonding kina Patty at Gail. Sa ilang araw hindi ko nakita si Rage dahil nga busy na siya sa trabaho, iyon ang sinabi ni kuya,  maganda na iyon, mas magandang hindi ko na siya makita, kasi hanggang ngayon kinakabahan ako eh, kung ano bang gagawin niya dahil nga sa sinabi niya sa akin.

"Mauuna na ako sayo Gail, baka naghihintay na si Grego." Ani ko kay Gail. Nasa library kasi kami ngayon. Niyakap ko si Gail bago umalis.

Nagmamadaling lumabas ako ng gate, at sabi na nga ba, nandito na si Grego. Nakatalikod ito gugulatin ko na sana pero humarap naman na kasi sa akin.

Napaatras ako. Akala ko matatahimik na ang buhay ko pero hindi nagkamali ako! Akala ko hindi na kami magkikita pero heto siya nasa harapan ko! Akala ko siya si Grego.

What is he doing here?!

Inalis ni Rage ang shades niya at nginitian ako. "You seem disappointed to see me, I'm sorry kung hindi ako si Grego." Anito.

'I'm not disappointed, I'm a little bit scared.' gusto yang sabihin pero itinikom ko na lang ang bibig ko.

"What are you doing here?" Tanong ko.

"To fetch you? Grego is not coming I already talked to him, dahil may kailangan tayong puntahan." Anito.

"T-tayong dalawa lang?"

"Yeah! May iba ka pa bang nakikita na kasama ko?"

Parang ayoko ng sumama kung kaming dalawa lang.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Hacienda, gusto kang makita ni lola at Kyron. Nabanggit kasi nina mommy sa kanila na umuwi ka na, ayoko na sana pero yun ang gusto ni lola, wala akong magagawa."

Okay?

Sasama ako sa kanya lalo na at si Donya Cecil at Kyron ang usapan, gusto ko na din silang makita. Hindi na ako nagsalita pa at pumasok na ako sa kotse niya, sa backseat ako, ayoko siyang katabi.

Nakatayo lang si Rage sa labas at nakatingin sa akin. "Ano? Tara na." Ani ko.

"Gagawin mo ba akong driver? Bumaba ka dyan sa harapan ka umupo." Sinabi nito.

"Ayoko."

"Baba." Maawtoridad niyang sinabi. Kinakabahan talaga ako sa kanya eh pero no choice bumaba na ako at sa harap umupo.

The Poor Meets the HeartthrobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon