"Oh anong ginagawa mo dito?" Tanong sa akin ni nanay pagkauwi ko."Dito po ako nakatira nay." Ani ko.
"Hindi dito ang bahay mo! Siguro naman nalaman mo na di ba? Na hindi ako ang tunay mong ina! Kaya mas mabuting pang umuwi ka nalang sa tunay mong mga magulang."
Mapait na ngumiti ako. "Mas gusto niyo po talagang pumunta ako sa kanila? Mas gusto niyo pong iwanan ko po kayo?" Naiiyak na sinabi ko.
"Oo! Dahil sakit ka lang sa ulo sa akin. Kaya mas mabuti pang kunin mo ang mga gamit mo ar umalis ka na dito! Dapat nga ay magpakasaya ka dahil mayaman ka!"
"Bakit po nay? Bakit po hindi niyo sinabi sa akin na hindi niyo ako tunay na anak? Sana sinabi nalang po niyo agad para natanggap ko na agad ang katotohanan."
"Kasi ako marunong akong tumupad sa usapan, ibinilin kasi ng magaling kong asawa na hindi ko ipagtatapat sayo na hindi ka namin tunay na anak, ang hindi ko lang naman tinuoad ay ang sinabi niyang hindi kita sasaktan eh, pero wala akong magawa, dahil tuwing nakikita kita umiinit ang ulo ko lalo na at nalaman ko na anak ka ng mga boss niya. Ewan ko ba sa asawa kong yan eh masyadong mabait! Dapat nga naibalik ka na sana dati pero hindi kasi mahanap ng tatay mo ang mga Parker dahil nga lumapit na pala sila ng tirahan, nagpagod lang siyang naghanap wala din lang naman siyang napala, edi kung alam lang namin na dito lang pala sila sa ciudad makikita eh di sana lumapit kami agad dito at naibalik ka na! Di sana hindi ako naghirap sa pagpapalaki sayo!"
"Bakit parang galit na galit po kayo sa mga Parker?"
"Hindi ako galit sa mga Parker. Sa asawa ni Carlos ako galit, kay Karla ay mali, sa kakambal niyang si Kyla! Tuwing nakikita ko ang mommy mo ay nakikita ko si Kyla, at tuwing nakikita kita ay nakikita ko rin siya, may atraso ang tita Kyla mo sa akin! Kaya pasensyahan dahil sayo ko ibinubunton ang galit ko pero wala akong pagsisisi." Natutuwang sinabi pa sa akin ni nanay.
"Anong atraso sainyo ng kakambal ni Mrs. Parker?"
"Nilandi lang naman niya ang asawa ko! Nagpabuntis siya sa asawa ko!"
Nagulat ako sa sinabi ni nanay. May anak si Ma'am Kyla at si tatay? T-teka si Gabriel ba iyon? Si Gabriel ba ang anak nila? Pero may asawa si Ma'am Karla. Iyon ang sinabi nina Donya Cecil at kung si tatay man ang ama ni Gabriel ay bakit hindi ito nabanggit nina Donya Cecil? Nagsasabi ba ng totoo si nanay o nagsisinungaling lang ito.
"Ano pang ginagawa mo? Umalis ka na sa bahay ko!" Nagulat ako dahil sa malakas na pagsigaw ni nanay.
"Nay wala po ba kayong pagmamahal sa akin kahit kunti lang?" Nanginginig na tanong ko.
"Wala! Ni minsan hindi kita minahal, ni minsan hindi kita itinuring na anak, kaya wag ka ng umasa! At wag na wag mo akong matatawag na nanay." Madiin na sinabi nito at dahil doon ay napaiyak na ako.
Wala na akong magagawa, hindi ko na pwedeng ipagsiksikan ang sarili ko dito sa bahay, ngayong nalaman ko na wala nga akong puwang sa puso niya ay hindi na talaga ako pwede dito. Kukunin ko na lahat ng gamit ko, pero ayoko munang pumunta sa mga Parker, ayoko na munang pumunta sa kanila.
Inayos ko na ang mga gamit ko. Bahala na kung saan ako pupunta. Ayokong magpatulong kina Patty, ayokong malaman nila kung sino ang tunay na ako.
Habang nag-aayos ay may napansin akong envelope na nakalagay sa baul na nakatago sa silong ng kama. Bubuksan ko na sana iyon pero agad kong isinama sa bag ko dahil sa pagsigaw ni nanay.
"Bilisan mo dyan, dahil ayaw na ayaw na kitang nakikita dito." Aniya.
Lumabas na ako pagkatapos kong mag-ayos. "A-aalis na po ako, maraming salamat po sa lahat nanay." Mahinang sinabi ko at tinungo ko na ang pintuan palabas.
BINABASA MO ANG
The Poor Meets the Heartthrob
Teen FictionSi Katrina ay lumaki sa poder ng kanyang mapang-abusong ina. Isang karanasang nagtulak sa kanya na maagang pumasok sa trabaho upang makapagtapos ng high school. Sa kabila ng lahat, nagkaroon siya ng bagong simula nang magtrabaho siya bilang kasambah...